Skip to content

MAJA: Basta, tingnan n’yo na lang ang mga ngiti ko!

April 10, 2013

maja salvadorAyaw pa ring umamin sa tunay na relasyon nila ni Gerald

Ni Ervin Santiago

PANGARAP ni Maja Salvador ang maging total performer.

Bukod sa acting at dancing, gusto rin daw subukan ng rumored boyfriend ni Gerald Anderson ang kumanta.

Kaya ngayon daw ay kakaririn na niya ang pagbo-voice lesson.

“Siyempre, kailangan tuluy-tuloy ang learning process, dapat hindi ka maging kuntento lang sa isang bagay na ginagawa mo, kasi di ba, madali nang magsawa ang publiko ngayon, kailangan lagi kang may ibibigay na bago sa kanila,” sabi ni Maja sa isang interview.

In fairness, may point naman si Maja diyan, kailangan nga na hindi magsawa ang mga tao sa kanya kaya kailangan niyang mag-reinvent sa sarili niya.Magaling na artista at dancer si Maja, kaya tama lang na ang singing naman ang i-try niya.

Sa isa pang interview, tinanong ang aktres kung pwede na siyang umamin sa relasyon nila ni Gerald, pero isang matamis na ngiti lang ang isinagot niya sabay sabing, “Gusto ko talagang magsalita, pero hayaan n’yo muna sa amin ‘yun, tingnan n’yo na lang ang smile ko.”

Well, mas marami naman talaga ang naniniwala na sila na ni Gerald, kung hindi, sasama ba siya sa mga lakad ng actor hanggang sa malalayong isla?

Anyway, umaariba pa rin ang teleserye nina Maja at Kim Chiu na Ina Kapatid Anak sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

At sa pagtuklas at pagbubunyag ni Margaux (Maja Salvador) sa kanyang pamilya tungkol sa lihim ng kanyang tunay pagkatao, paano nga ba aaminin ni Beatrice (Janice de Belen) sa lahat ang pakikipagsabwatan niya noon kay Oscar (Jayson Gainza) para makuha ang anak niya kay Teresa (Cherrie Pie Picache)?

Ano nga ba ang gagawin nina Tatay Zach (Ronaldo Valdez) at Oscar kapag inilantad na ni Margaux ang kanyang natuklasan mula sa kumadrona na nagpaanak kay Teresa?

Paano nga ba babaguhin ng katotohanan ang takbo ng buhay nina Celyn (Kim), Teresa, Beatrice, at Margaux?

Huwag palampasin ang Gabi ng Pagtutuos sa Ina Kapatid Anak, ngayong Biyernes pagkatapos ng Juan dela Cruz.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: