Skip to content

Krista Miller: Kahit maraming nanghihila sa akin pababa, hindi sila magtatagumpay!

April 10, 2013

krista millerNi: Alex Brosas

Hindi kami magtataka kung matsismis si Krista Miller kay Victor Silayan.

May nag-react kasi sa photo nilang dalawa na kuha sa isang reality search na magkasama sila.

They were both in all white outfit at ang ganda nilang tingnan.

Sabi ng nag-post ng Instagram photo ng dalawa, “Hmm, mukhang first day pa lang pala binabakuran na ni @VictorSilayan si @iamKRISTAMILLER ha?”

Tila nasanay na si Krista sa mga intriga sa kanya.

Isang caption niya sa kanyang Instagram photo ang nagpahiwatig na hindi siya kayang padapain ng intriga, “Kahit anong gawin ng mga taong pilit na nagdodown sakin, nagagawa ko pa din ngumiti, tumawa at maging masaya.

“Kahit anong dami nila, hindi pa rin nila kayang tumbasan ang kasiyahang nabibigay sakin ng ng mga taong nagmamahal at sumusuporta sakin. At sa mga sunod sunod na biyayang nabibigay sakin ni God, sobrang tears of joy.

Kaya kahit gaano kasasakit ang ibato sakin, hindi ko nararamdaman kasi alam ko anjan si God para palitan ng mga blessings ung mga binabato sakin ng mga taong nagdodown sakin,” sabi niya.

Isa kaya si Sunshine Cruz sa mga pinariringgan ni Krista?

O, baka naman may gusto lang siyang ipahiwatig kay Cesar Montano?

Bilib din kami sa babaeng ito – aba, kahit na pinpointed na siya ni Sunshine as the reason kung bakit sila naghiwalay ni Buboy, todo tanggi pa rin siya at saksi pa raw niya ang Diyos!

Di ba naman!?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: