Skip to content

COCO MARTIN dedma lang sa tsismis na isa siyang ‘BAYARAN’

April 10, 2013

coco martinNi Reggee Bonoan

DEDMA lang si Coco Martin sa mga naglalabasang isyung nabayaran siya ng malaki para i-endorso ang mga pulitikong kaibigan at kakilala niya dahil kung totoo raw ito hindi na sana siya kakayod nang husto.

Naikuwento sa amin na sobrang masinop daw si Coco sa bawa’t sentimong kinikita niya dahil nagpapagawa siya ng bahay at bukod pa sa marami siyang natutulungan.

Kaya napapangiti na lang daw si Coco sa mga naglalabasang issue sa kanya tungkol sa talent fee daw niya mula sa mga politikong tumatakbo sa 2013 elections.

At imbes na patulan ay itinutuon na lang niya sa trabaho ang kanyang panahon kaya naman sa bawa’t biyayang dumarating sa kanya ay ipinagpapasalamat niya ito ng husto.

Samantala, hindi naman natitinag sa ratings game ang fantaseryeng Juan dela Cruz dahil sa buong Marso ay nag-average ito sa 35.7%.

Anyway, sa patuloy na umeereng kuwento ng JDC ay pinapahanap na ni Haring Samuel (Albert Martinez) ang Tagabantay.

Ano nga ba ang gagawin ng Hari kapag natuklasan niya na ang taong tumutugis sa kanilang lahi ay anak ng babaeng pinakamamahal niya?

Sa pagdating ng aswang na si Omar (Jason Abalos), paano pa nga ba maililihim ni Juan (Coco) ang kanyang tunay na pagkatao?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: