Skip to content

VICE GANDA ginamit ang kasikatan, inagaw ang bf ng make-up artist?

April 9, 2013

vice gandaKaya raw napunta sa kanya ang gwapong dancer ng G-Force

HOW true na hindi si Vice Ganda ang tunay na dyowa ni Jan Stephen?

Nabasa namin sa isang comment na make-up artist ni Vice ang totoong dyowa nitong si Jan na member ng G-Force dance group.

Kung true, eh, bakit parang lumalabas na sina Jan at Vice ang magdyowa?

Bakit super sweet sila sa mga photos na naglabasan sa mga social networking sites?

Napanood namin ang isang special episode sa It’s Showtime kung saan nainterbyu ang ilang gay friends ni Vice noong hindi pa siya sikat.

Meron pala itong parlor na palaging tinatambayan noon.

Ang aming ikinaloka, merong isang bakla ang nagbigay ng mensahe kay Vice at sinabing dinaot (inagaw) ng stand-up comedian ang kanyang boyfriend.

Actually, ‘yung guy na pinag-awayan nina Vice at nu’ng baklita ay naroon din sa taped interview. He confirmed na meron ngang sulutang naganap noon.

Tawa nang tawa si Vice sa taped interview.

Probably, nagbalik sa kanyang alaala ang mga pinaggagawa niya noon.

Now, going back to the comment na sinasabing ang make-up artist ni Vice ang totoong karelasyon ni Jan Stephen, kung true ito ay hindi kaya sinulot ng stand-up comedian ang kanyang make-up artist?

Kung totoong sinulot nga niya, kawawa naman ang make-up artist dahil wala siyang kalaban-laban kay Vice.

Napansin lang namin, parang soft ang personality ni Jan Stephen.

Parang he’s more on the gender-bender side.

That’s just our observation, ha. Klaro?

2 Comments leave one →
  1. April 10, 2013 6:57 pm

    ay bakla yun! gusto mag artista! supsupera din yun!

  2. April 12, 2013 4:20 am

    pero babalik yung lalaki sa make up artist, tunay na lalaki na ulit. lol.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: