Skip to content

KRIS may nakilalang SUPER YAMAN na lalaki sa PARIS: ‘at pumasa na siya kay BIMBY, ha!’

April 9, 2013

kris aquino bimbyGustong bumili ng isla sa Pinas at magtayo ng mga hotel

MAY nakilala raw mayamang negosyante si Kris Aquino noong nagbakasyon sila ng kanyang mga anak sa Paris, France nitong nakaraang Holy Week.

Nakauwi na ang mag-iina sa Pilipinas nitong nakaraang Sabado.

Sa episode ng Kris TV kahapon ng umaga, ikinuwento ng Queen of All Media na na-meet nga niya ang nasabing businessman na isang Pranses sa isang event na dinaluhan nila sa Paris.

Kinilig naman ang co-host niyang si Melai Cantiveros.

“Alam mo may na meet ako sa France.

Pero ‘yun nga ka-edad na siya ng papa mo (Melai), a little more (than 60 years old).

Sobrang successful na negosyante at darating siya dito sa Pilipinas sa June dahil gusto niyang bumili ng island.

Hindi ba sosyal?”Tinanong ni Melai kung mukha itong bata kahit may edad na, sagot ni Kris, “Ay hindi masyado.

Okay na ‘yan, Melai.

Papakilala ko sa inyo,” sabay sabing kahit daw si Bimby ay botong-boto sa nasabing negosyante.

“Pumasa kay Bimby, kaya tignan na lang natin.

Let’s pray. Let’s pray dahil gusto niyang mag-build ng mga buildings sa Philippines.

So ipagdarasal ko ‘yan dahil mas maraming trabaho para sa maraming Pilipino.

Pray with me, okay?” chika pa ng TV host-actress.

Nang inusisa ni Melai kung paano sila nagkakilala, kung saan sila nagtagpo, biglang iniba na ni Kris ang topic. Ha-hahaha!

Mukhang gusto munang isikreto ng TV host ang tungkol doon.

Anyway, kahit two weeks na lang ang itatagal ng serye nilang Kailangan Ko’y Ikaw sa Primetime Bida ng ABS-CBN, kailangan pa ring mag-taping ni Kris para sa magiging ending ng programa.

May tatlong araw pa siyang taping this week.

At sa lahat ng mga sumusubaybay sa Kailangan Ko’y Ikaw, narito ang kailangan n’yong abangan sa nalalapit nitong ending.

Matapos ang mahabang panahon na pagkakawalay sa kanyang asawa’t mga anak, handa nang balikan ni Roxanne (Kris) ang kanyang pamilya.

Bukod sa mga nakakaiyak na eksena, magiging maaksyon din ang susunod na mga episode.

Tutukan ang patuloy na pag-init ng mga tagpo sa pamilya ng mga Manrique at Dagohoy ngayong nakabalik na si Roxanne.

Ano nga ba ang gagawin ni Bogs (Robin Padilla) kapag nalaman niya na buhay pa ang kanyang asawa?

Mapipigilan pa nga ba ni Ruth (Anne Curtis) ang pagbabalik ng kanyang nararamdaman sa kaisa-isang lalaki na inibig niya?

Sa pagkakaroon ng panibagong pagkakataon para mabuhay, babalikan pa nga ba ni Roxanne ang buhay na kanyang tinalikuran, o isasakripisyo nga ba niya muli ang sariling kasiyahan para sa sariling kapatid at pamilya?

Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng Kailangan Ko’y Ikaw, gabi-gabi, pagkatapos ng Apoy Sa Dagat sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

One Comment leave one →
  1. April 10, 2013 6:59 pm

    anak ng foot spa! akala ko ba lalayas na sa showbiz yang ugok na lintik na STD na yan? eh bakit nag papasiklab nanaman?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: