Skip to content

COCO MARTIN binayaran ng P35-M para mag-endorso ng politiko?

April 9, 2013

coco martinPinagtawanan ang sinabing libre ang talent fee

ON their first week sa campaign together, mainit na tinanggap ng mga fans sina Coco Martin and senatoriable Sonny Angara – siyempre, guwapo si Sonny at super sikat si Coco. .

But when they already announced na hindi nagpabayad si Coco for endorsing Sonny, nagtaasan ng kilay ang ilan nating mga kababayan.

Natawa sila sa pambobola ng dalawa.

Nagmukha lang silang mga echoserong palaka.

“Sino naman kasi ang maniniwalang hindi binayaran ng mga Angara si Coco eh, hindi naman sila magkaanu-ano.

Hindi naman sila magpinsan, magsyota, magkamag-anak or even magkaklase in high school or college.

Nakakatawa sila lalo na nang lumabas ang balitang sobrang taas pala ng singil ni Coco as endorser ni Angara. “Not less than P35 million pala ang ibinayad daw sa kanya pero ang kumakalat pang balita ay wala raw itong resibo para walang hahabulin ang BIR.

Totoo ba ‘yun?

And with that, they lost people’s trust.

Instead na makatulong si Coco sa kampanya ni Sonny, nawalan tuloy sila ng gana.

Puwede naman nilang sabihin sa press na confidential ang talent fee ni Coco, di ba?

Pero ang tahasang sabihing libre si Coco dahil naniniwala  ito sa  adhikain ni Angara, e, hindi nga naman kapani-paniwala.

“Akala kasi namin, malalim na tao si Coco, hindi rin pala. Imagine, P35 million ang talent fee niya as endorser?

Kaya pala bongga si Coco Martin, nag-shop daw sa Europe ng mga furniture para sa ipinatayong mansion sa Quezon City dahil marami siyang salapi outside of his showbiz earnings.

Alam naman nating may sariling pera si Coco, as in marami na dahil left and right ang kanyang trabaho  pero paano nga nila ipaliliwanag ang balita tungkol sa P35 million talent fee niya?” tanong ng source natin.

Mali kasi ang strategy nina Angara and Coco sa pag-handle ng “bayaran” issue.

Naglabas pa sila ng nakakatawang statement na kesyo reregaluhan daw ni Angara si Coco ng trip to Boracay with his family dahil sa pagpayag nitong iendorso siya.

Pinagtatawanan tuloy sila ng taumbayan.

“Sa dami ng pera ni Coco even without Angara, kaya niyang magpabalik-balik sa Boracay anytime he wants.

As if naman Coco has time for that.

Huwag nga silang magpa-cute. Kasi nga, mahina talaga si Angara, wala siyang personality like his dad.

Guwapo lang siya pero alam mong wala namang masyadong backbone sa politics.

He’s just the son of Ed Angara and that’s all,” pagmamaldita pa ng kausap natin.

Funny nga, now ko lang na-realize.

Ha-hahaha! At least napatawa nila tayo for once.

Mga komedyante pala sila, ‘no!?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: