Skip to content

ANDI: Wish ko lang na magustuhan ako ng MOMMY ni JAKE!

April 9, 2013

andi eigenmannMas pumayat si Andi Eigenmann nang makita namin ito sa presscon ng pelikulang “Coming Soon”, ang barkada movie na pinrodyus nina Ronald Singson, Neil Arce at Boy 2 Quizon.

But she still has that angst na parang ang lalim-lalim ng pinanggagalingan.

Kaya nga hindi na kami nagulat nang turan nitong, “All I wanted was his mom to like me, ‘yun lang naman,” bilang sagot sa pangungumusta ng mga kapatid sa hanapbuhay sa estado ng relasyon nila ni Jake Ejercito.

Nasa bansa kasi si Jake at busy ito sa pagtulong sa kampanya ng tumatakbong ama nitong si dating Pangulong Erap Estrada bilang Mayor ng Manila.

Hindi nagbigay ng anumang detalye si Andi dahil mukhang totoo namang wala pa silang pormal na pag-uusap ng dating BF na naiskandalo nang pumutok ang isyu sa kanyang pagbubuntis at panganganak, to the point na nagsalita na nga ang kanilang mga magulang.

Kaya sa tinuran ni Andi, lumalabas talagang hindi pala siya gusto ni Laarni Enriquez (nanay ni Jake) though unfair for us to assume kung inaayawan siya sa simula pa lang ng kanilang relasyon o nang dahil lang sa nangyari sa kanya?Nakakabilib ang pagiging matatag ni Andi.

Diretso nitong sinasabi na mahirap kalabanin ang panahon kaya maghihintay na lang siya.

Basta sa ngayon daw ay okey na sila ng kanyang inang si Jaclyn Jose.

“Coming Soon,” pabakla pa niyang tsika sa amin nang tanungin namin kung may pagkakataong magkausap at magkita sila ni Jake ngayong nasa bansa ito at nangangampanya para sa ama.

Showing ang “Coming Soon” ngayong April 17 produced by Fearless Productions at Brown Sugar Entertainment.

May special participation sa pelikula sina Carla Humpries, Cholo Barretto, Dominic Roco, Boy 2 Quizon at Glaiza de Castro, pati na rin sina Vice Ganda, Raymond Gutierrez at marami pang iba.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: