Skip to content

ZOREN LEGASPI ayaw nang buntisin si CARMINA: wala na po! pinaputol ko na!

April 8, 2013

zoren carminaHINDI na inabot ni Joey Marquez ang unang anibersaryo ng Showbiz Inside Report na ginanap noong Sabado dahil kinailangan na niyang mag-leave dahil kakandidato siya sa pagka-congressman sa Paranaque City.

Sinamahan ni Zoren Legaspi bilang guest co-host sina Carmina Villaroel, Ogie Diaz at Janice de Belen.

Pagkatapos ng live presentation ng SIR ay nakatsikahan namin sina Janice, Ogie at Carmina, aminado silang mami-miss nila si Manong Joey sa show dahil masaya raw itong kasama.

Todo tanggi naman si Carmina na may kinalaman siya sa pagpasok ni Zoren sa show, ang mismong production daw ang kumausap sa aktor para pansamantalang pumalit kay Joey.

Dalawang episodes lang daw ang napagkasunduan na uupuan ni Zoren pero kung maganda ang feedback ay posibleng ma-extend ito, say mismo ng bossing ng programa ng ABS-CBN.Napangiti naman si Zoren nang banggitin na posibleng ma-extend siya sa SIR at baka tuluyan na ring maging Kapamilya?

“Okay lang din naman, wala naman akong kontrata sa ibang network, puwede naman ako kahit saan,” say ng asawa ni Carmina.

Tinanong namin ang mag-asawang Zoren at Carmina kung okay lang na magsama sila sa iisang show, at hindi ba sila nagkakailangan?

“Wala kaming problema, okay kami, kasi nagkasama na kami before sa kabilang network, so wala namang ilangan,” sabi ni Carmina.

Naiingayan lang daw si Zoren kapag nagpapa-blower na si Carmina, “Hindi ko alam, basta naiingayan ako sa mga blower talaga.

Naiinis ako. At saka pag babae, siyempre, maraming entourage ‘yan, tapos labas-pasok ang mga ‘yan.

Magulo, magulo lang ang dressing room but aside from that, we’re okay,” natatawang kuwento ni Zoren.

Samantala, natanong din sila kung may plano pa silang sundan ang kambal na sina Mavy at Cassie? “Wala na.

Pinaputol ko na, ayoko na!” ang sabi ni Zoren na ikinaloka namin.

“Ayoko na, late na.

Kasi I don’t want to go to that process na may baby, tapos hindi ko na maaalagaan.

Sinabi ko kasi kay Carmina, whether you like it or not, ‘yung babae (Cassie), mag-aartista ‘yan.

Gusto kong bantayan ‘yung babae,” katwiran ng soon to be stage dad.

Aminado si Zoren na magiging stage father siya kapag nasa showbiz na ang mga anak.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: