Skip to content

KIMERALD umatake na naman: RAYVER binantaang sasaktan dahil kumampi kay MAJA

April 8, 2013

rayver cruzHala, si Rayver Cruz pala ang bagong pinagbabantaan ngayon ng mga Kimerald (again?!) dahil nalaman umano nilang ang aktor ang nag-post ng pictures nina Gerald Anderson at Maja Salvador sa Instagram.

Ayon sa mga taong malapit sa aktor, ito raw ngayon ang “nginangarag” ng mga fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson at pinagbantaan pang sasaktan once na magkaroon ng pagkakataon.

Dedma naman ang reaksyon ni Rayver, hindi naman daw ito natakot sa mga pagbabanta ng Kimerald dahil wala naman daw siyang ginawang masama.

Sey pa ng source namin kapatid na Ervin, “Kung makikita lang ng mga Kimerald ang smile ni Rayver nang ipaalam sa kanya ang pananakot ng mga fans, baka mas lalo nila itong sinugod!” Ha-hahaha! Nakakaloka ha, manggatong pa raw ba kami!

But come to think of it, hindi kaya very soon ay kay Rayver din iakusa ang mga photos ng pagbabati nina Ara Mina at Cristine Reyes, pati na yung kina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban dahil kitang-kita sa mga larawan nila ang kanilang mga kasiyahan.

Ano ba kasi ang trip ng mga fans nina Kim at Gerald na hanggang ngayon ay parang hindi makapag-move on sa nasirang relasyon ng kanilang mga idolo?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: