Skip to content

ANGELICA butata uli kay DEREK, wa epek ang bagong paninira

April 7, 2013

angelica panganibanNakaraos na naman sa isang paghamon si Derek Ramsay.

Maraming dagok na ang inaabot niya mula kay Angelica Panganiban, ang kanyang ex, pero lahat ay nalalampasan niya naman nang buong wagas.

Wala pa rin kasing katahimikan ang isip at kalooban ng babaeng ito, palagi pa rin nitong kinakalampag ang nananahimik nang si Derek, samantalang meron na itong John Lloyd Cruz na karelasyon ngayon.

Dahil sa hindi pagsasalita ng hunk actor sa kahit anong upak ni Angelica sa kanya ay lalong umaangat ang kanyang mga katangian ng pagiging maginoo, napakaedukado at may breeding nga naman ng aktor, dahil pinipili niya ang mga laban na pinapatulan niya.

Puring-puri si Derek ng kanyang production staff sa Kidlat.

Ni minsan ay walang naengkuwentrong problema ang mga namamahala sa kanya sa serye ng TV5, masaya ang kanilang set dahil wala silang problema sa kanilang bidang aktor.“Dumarating siya na alam na niya ang mga dialogues sa mga eksena niya, dala-dala na niya ang lahat ng kailangan niyang gamitin sa mga eksena, hindi siya kumakain ng negatibo dahil hindi siya nagpapaulit-ulit ng take,” papuri kay Derek ng isa niyang staff sa Kidlat.

Kung ganu’n nga naman ang bida sa kahit anong serye ay walang maiinis na staff, walang magrereklamong crew, pati ang mga kapwa artista ng bida ay magagaanan sa kanilang trabaho.

“I love my craft. I love what I’m doing.

Mahal ko ang tabaho ko, ayokong ma-feel kahit minsan lang na ako ang nagpapabigat sa kanila.

Kaya nga I always see to it na kapag dumating ako sa set, take na agad kami, dahil alam ko na ang mga gagawin ko.

“Marami akong isinasakripisyong pang-personal na bagay.

Hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang mga friends ko, pero alam nila na kapag may get together kami o may birthday party, e, may cut-off din ako sa pakiki-party sa kanila dahil may work ako kinabukasan na napakaaga ng call-time,” nakangiting sabi ni Derek Ramsay.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: