Skip to content

Reklamo ni OSANG: Kakain sila, hindi ako yayayain, napakalakas pa nila sa kuryente, kaya nagtitiis ako sa init!

April 6, 2013

rosanna rocesPinalayas nang tuluyan si Onyok kasama ang GF

Tuluyan nang pinalayas ni Rosanna Roces sa tinitirhan niyang condo unit ang bunso niyang anak na si Onyok.

Hindi matanggap-tanggap ng aktres na ang minahal pa niya nang sobra-sobrang si Onyok ang mananakit sa kanya ng pisikal nang dahil lang sa girlfriend nito.

“Lahat, ginawa ko na para lang maibigay ko ang mga kailangan niya.

Mula nu’ng maliit pa lang siya, nakipaglaban na ako, talagang ginawa ko ang lahat-lahat para lang mabigyan ko siya ng magandang buhay.
“Pero hindi ko naisip kahit minsan na siya pa pala ang mananakit sa akin, sinapak niya ako, sinaktan niya ako nang pisikal, parang nararamdaman ko pa hanggang ngayon ang ginawa niya sa akin,” pagkukuwento ni Osang nang interbyuhin namin para sa Ang Latest na mapapanood na ngayong gabi ang kabuuang panayam.

Ang bagong karelasyon ng kanyang anak ang sa palagay ni Osang ang nagtulak kay Onyok para siya’y saktan. Masyado na raw kasi siyang nababastos sa sarili niyang bahay, kumakain ang mga ito nang sila lang, ni hindi siya makuhang yayain.

“Grabe sila, parang sila ang nagpapakain sa akin kung makaasta sila sa mismong lugar ko.

Kakain sila, ni hindi man lang nang-iimbita, napakalakas nila sa kuryente, kaya nga sila ang naka-aircon, naka-electric fan na lang ako,” nagdaramdam pa ring kuwento ng sexy actress.

Sa halip na humingi ng tawad sa kanyang ginawa ay nababasa pa raw ngayon ni Osang ang mga ipino-post ni Onyok sa kanyang Facebook, kesyo hindi raw naman niya ito napuruhan nang dunggulin niya sa ilong, hindi raw ito nasaktan sa kanilang pagpipisikalan.

“Sa ginawa niya sa akin, hindi man ako nagsabing gagapang siya sa lupa, e, ‘yun talaga ang mangyayari sa kanya dahil binastos niya ang babaeng nagbigay ng buhay sa kanya,” madiing sabi pa rin ni Osang.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: