Skip to content

SID LUCERO: Inaamin ko, naging pasaway ako, nagkalat…pero tao lang ako, nagkakamali!

April 3, 2013

sid luceroMay gusto lang daw sabihin ang Diyos sa kanya kaya biglang nawala

Nangakong mas magsisipag dahil magiging tatay na

TUMABA ang magaling at premyadong aktor na si Sid Lucero.

Nakausap namin siya pagkatapos ng presscon ng bago niyang teleserye sa GMA TeleBabad, ang Love And Lies kung saan makakasama niya si Richard Gutierrez.

Matagal-tagal ding nawala si Sid sa eksena, ang huli pa yata niyang soap opera sa Siyete ay ang Legacy.

Kaya nang makachika namin siya ay una naming tinanong kung ano ang pinagkaabalahan niya nitong nagdaang mga buwan.

Kuwento ni Sid, marami lang daw talagang mga bagay-bagay sa mundo na mahirap ipaliwanag, mga pangyayari na mahirap kontrolin, at ang nangyari raw sa kanya ay nangyayari rin sa ibang tao. Ang mahalaga raw ay kung paano niya nakaya ang mga pagsubok na pinagdaanan niya.

Ang pinakamagandang balita raw na natanggap niya mula nang magpahinga muna siya sa showbiz ay ang pagbubuntis ng kanyang girlfriend na dating member ng isang banda.

Five months na raw itong nagdadalang-tao at ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ito.

“Sobrang excited, ganu’n pala ‘yung feeling na magiging father ka na,” bungad sa amin ng aktor.

Paano mo naman pinaghahandaan ang paglabas ng baby n’yo? “Ito, balik-trabaho, focus on work, actually this is the first time na kailangan kong magtrabaho hindi para sa sarili ko, kundi para sa magiging anak ko, sa family ko.

So, we’ll see what happens. Pina-ultrasound na namin, ang sabi 90 percent girl daw.

“I don’t really care kung boy or girl, pero nu’ng unang malaman ko that she’s pregnant, una kong naisip gusto ko lalaki, pero habang tumatagal napi-feel ko na girl.

Kasi, di ba, sabi nila kapag blooming ‘yung mother, girl ang baby.

So, kahit anong gender, basta healthy, okay na okay!” chika pa ni Sid.

Maraming kanegahang kuwento ang naglabasan nu’ng bigla siyang mawala sa eksena, kaya tinanong namin siya kung ano ba talaga ang nangyari?

“I took a break, find myself again and reconnect.

But yes, I admit, during the last days of my work, I became unprofessional, maybe because I was unhappy about a lot of things, and I took it out while working.

So, we all talked about having a break and I think na-enjoy ko naman ‘yung break na ‘yun.

“Yes, I made mistakes, sino naman ang hindi nagkakamali, di ba?

But hopefully, it’s gonna be different now kasi di na ako magtatrabaho para lang sa sarili ko, magkakaroon na ako ng baby,” dagdag paliwanag pa ng Kapuso actor.

Hirit pa nito, “They happened for a reason, and I think maganda naman ‘yung naging resulta, I mean it’s for the better.

I also think that God is telling me something, ‘coz I became, you know…nagkakalat, tapos nawala, nag-break, after that ‘yung news ng pregnancy and then ito na nga, bagong trabaho.

Perfect timing. I think this is it. I’ll just take things nice and slow,” pahabol pa ni Sid.

Tungkol naman sa bagong teleserye niya sa GMA, ang suspense serye na Love And Lies, hindi ba siya na-offend na support na lang ni Richard Gutierrez ang role niya considering na nagbida na siya sa ilang soap opera ng ABS-CBN at naging leading man na rin sa ilang serye ng Siyete?

“No, walang problema sa akin, whether it’s a supporting role or lead role, it doesn’t matter, pare-pareho lang naman ‘yan.

Sabi ko nga, it’s another challenge for me dahil ibang-iba na naman ‘yung role ko dito.

Tapos makakasama ko pa si Richard. I don’t think it’s an issue.

“I’m actually fortunate dahil na-consider ako ng GMA na maging part ng napakalaking project na ito na I think would be the first in Philippine TV,” esplika ni Sid na gaganap ngang best friend or sidekick ni Richard sa Love And Lies.

Sa interview naman namin sa direktor ng programa na si Mark Reyes (na by the way ay okay na okay na raw pagkatapos niyang ma-stroke a few weeks ago), pwede n’yo raw itong maikumpara sa Hollywood series na 24 ni Kiefer Sutherland at sa pelikulang “Taken” ni Liam Neeson dahil bukod sa ma-suspense na tema nito (isang opisyal ng Philippine Navy si Richard, kinindap ang asawa niya played by Michelle Madrigal ng isang sindikato) ay napakabilis din daw ng pacing nito.

Magsisimula na sa Lunes ang Love And Lies kapalit ng Temptation Of Wife sa GMA TeleBabad, makakasama rin dito sina Bela Padilla, Paolo Contis, Neil Ryan Sese, Bobby Andrews, at ang Protegé winner na si Jeric Gonzales and partner Thea Tolentino.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: