Skip to content

‘Nakakahiya talaga si ANGELICA…. para siyang isang malaking pigsa!’

April 2, 2013

angelica panganibanKahit may John Lloyd na, ayaw pa ring tantanan si Derek

Kahit ano pang pangangalampag ang gawin ni Angelica Panganiban kay Derek Ramsay ay wala pa ring mapapala ang dalaga.

Hindi naman kasi niya katulad ang aktor, hindi padalos-dalos sa pagdedesisyon at pagkilos si Derek, napakalayo nito kay Angelica na parang pigsa na napakalayo pa ng karayom ay pumuputok na.

Nakakaawa naman si Angelica, ilang buwan na silang magkarelasyon ngayon ni John Lloyd Cruz, pero hanggang ngayon ay ang nakaraan pa rin nila ni Derek ang laman ng kanyang utak.

Isang taon na silang hiwalay, sabi niya’y nakausad na siya nang pasulong, nandiyan na si John Lloyd Cruz na sinasabi niyang mahal na mahal niya at mahal na mahal din siya.

Pero bakit kailangan pa rin niyang kalkalin ang nakaraan nila ni Derek, bakit kailangan pa niyang siraan ang kanyang dating mahal, hindi ba alam ni Angelica ang katotohanan na sa bawat paghihiwalay ng mga nagmahalan ay dalawang panig palagi ang may sobra at kulang?Hindi puwedeng siya lang ang may pagkakamali, hindi rin puwedeng si Derek lang, silang dalawa ang nagkulang at sumobra sa magkakaibang aspeto kaya hindi sila nagkatuluyan.

Hindi pa ba sapat ang isang taon para nagamot na sana ang nagdurugong puso ni Angelica?

Maayos na ang buhay ni Derek, masaya ang hunk actor sa kanyang buhay at karera ngayon, si Angelica nama’y panay-panay ang pagpo-post ng kanilang masasayang retrato ni JLC na meron pa ngang caption na “We can’t ask for more.”

At nakakahiya si Angelica.

Kinakain niyang lahat ngayon ang mga salitang isinuka niya noon tungkol sa masarap na pagmamahalan nila ni Derek.

Nakalimutan na yata niya ang matitinding papuring binibitiwan niya noon tungkol sa kanyang boyfriend-live-in partner.

Kinakain niya ngayon ang mga salitang ‘yun ng papuri.

Nakakahiya!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: