Skip to content

Hiwalayang JUDAY-RYAN walang katotohanan, annulment case ‘KURYENTE’

April 1, 2013

judy ann santosImposible ‘yan, grabeng maglambingan ang mag-asawang ‘yan, ‘no! —Alfie Lorenzo

LAST week ay meron kaming natanggap na text message sa aming “Mismo” program sa DZMM about Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo.

Our texter was asking kung totoong nagpapa-annul na raw ng kanilang marriage sina Juday and Ryan dahil sa mga matitindi raw nilang differences.

Nagulat kami ni Papa Ahwel Paz siyempre dahil honestly, sa aming circle ay wala kaming naririnig na ganoong chika.

Sa pagkakaalam namin ay super strong ang relasyon ng dalawa.

Hindi nga kami nagkamali dahil we got a call from tito Alfie Lorenzo, Juday’s manager and tatay-tatayan, at sinabing kararating lang nina Juday and Ryan from Vietnam.

Kulang na nga lang daw ay mag-renew ng vows ang mag-asawa dala ng sobrang pagmamahalan.Nagulat rin daw si tito Alfie sa naisulat ng isang broadsheet columnist na naghiwalay na nga raw sina Juday at Ryan.

Kami naman ay hindi naniniwala.

“Sina Sunshine (Cruz) and Cesar (Montano) pa, maaaring totoo pero sina Juday and Ryan, iyan ang pinakanakakatawa.

Grabe kung maglambingan ang dalawang iyan kaya malabong mangyari ang annulment issue na ‘yan,” ani tito Alfie na never kaming kinuryente sa mga ibinabalita at isinusulat niya.

Ayan ha, malinaw na iyan from tito Alfie mismo, walang ganoong eksena kina Juday and Ryan.

Kung sinuman ang may gawa-gawa ng chikang ito, wawa naman you.

As in, super wawa naman.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: