Skip to content

ANGELICA: Nabaliw ako sa kanya, naging sunud-sunuran sa lahat ng gusto niya!

April 1, 2013

angelica panganibanInaming umiyak nang umiyak bago nakipag-live in kay Derek

‘Hindi siya malambing, hindi siya mayakap!’

GRABE ang mga pasabog ni Angelica Panganiban laban sa ex-boyfriend niyang si Derek Ramsay, ha!

Talagang isang matapang at diretsong Angelica P. ang lumantad sa one-on-one interview sa kanya ng Star Studio Magazine.

Ito’y makalipas nga ang mahigit isang taon nang sila’y maghiwalay.

Ibinandera ng aktres ang ilan sa mga rason kung bakit sila naghiwalay ni Derek, bukod daw sa naging problema nila ng aktor sa pagpapakasal nito noon ay sinabi ni Angelica na ibang-iba raw ang personalidad nito sa totoong buhay kumpara sa mga napapanood ng mga tao sa kanyang mga pelikula at teleserye.Inamin din ng aktres sa nasabing panayam na totoong nag-live in sila ni Derek, ito raw ‘yung panahon na ginagawa nila ang teleseryeng Ysabella sa ABS-CBN kung saan nakasama nila si Judy Ann Santos.

Noong una ay parang nagdadalawang-isip siya sa kanyang gagawin pero aniya, “Gagawin ko lahat, ‘wag mo lang akong hiwalayan.”

In fairness, tinulungan pa raw si Angelica ng kanyang nanay na si Annabelle na ayusin ang bahay ni Derek nu’ng lumipat siya, wala raw ang aktor noong araw na ‘yun dahil may trabaho raw.

“Naalala ko nu’ng first night ko du’n sa house namin…iyak ako nang iyak.

Tapos nagdadasal ako, ‘Tama ba ‘tong ginagawa ko?’” sey pa ni Angelica.

Okay naman daw ang mga unang taon ng kanilang pagsasama hanggang sa magkasunud-sunod na ang kanilang problema.

“Kahit sinong artista, in love o hindi, parang yun dapat yung i-project mo na okay lahat.

Until one day, ma-reach yung point sa buhay nila na, ‘Ay nabaliw na. Hindi na nakaya,’” kuwento pa ng aktres.

Hirit pa ni Angelica, “Yung relasyon namin, pag nakasuot ka ng pink, at sinabi niyang black ‘yan, mapapaniwala niya ‘kong black ‘yan.

Ganu’n. Ganu’n ako nabaliw sa kanya.”

Marami ang nanghinayang nang sumabog na ang balita na naghiwalay na sila, ito ‘yung panahon kung saan kaliwa’t kanan na ang proyekto ni Derek.

Binansagan pa nga siyang “Pambansang Leading Man” dahil kahit na sino ang itambal sa kanya ay tanggap ng mga manonood.

Pero sey ni Angelica, malayo raw ang tunay na Derek Ramsay sa napapanood ng mga tao, sa totoong buhay lang daw hindi romantic ang aktor, inilarawan niya itong “cold and distant, a perfect example of the alpha-male.”

“Hindi siya clingy, hindi siya malambing, hindi siya mayakap.

Kapag ginawa niya yun, kapag ginrab niya yung kamay mo, pag nakipag-holding hands siya, ay, grabe talaga, ‘Ano yung ginaw

a ko?’ Ganu’n yung pakiramdam ko,” paliwanag pa ng Kapamilya actress.

Siguradong magre-react na naman ang mga fans ni Derek sa mga pasabog na ito ni Angelica, sure na sure kami na kung anu-anong panlalait at pang-aalipusta ang matatanggap ng aktres mula sa mga taong nagmamahal sa dati niyang boyfriend.

Pero kung kilala na nga namin siya, sure na sure rin kami na dededmahin lang niya ‘yan.

Ang mahalaga kasi kay Angelica ay ang mailabas na niya sa publiko ang mga itinago niyang “sakit” sa kanyang puso noong sila pa ni Derek.
Pero ang tanong ng marami, kailangan pa ba talagang magsalita ni Angelica tungkol sa paghihiwalay nila ni Derek?

Masaya ba talaga siya sa piling ni John Lloyd Cruz?

O baka naman totoo ang hinala ng ilan na mahal pa rin niya ang ex-BF niya at panakip butas lang niya si Lloydie?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: