Skip to content

JAMES YAP kinampihan ng mga kasamahan sa PBA, inis na inis daw sa ginawa ni KRIS

March 31, 2013

james yapKahit kailan hindi raw nagyabang, hindi ginamit ang dating asawa

May nakausap kaming katrabaho ni James Yap.

Kung tutuusin ay kalaban niya ang personalidad na nakakuwentuhan namin, kaya ang aming inaasahan ay may tulis ang kanyang mga komento, pero nagulat kami.

Ayon sa aming kausap ay walang kahit sinong nakaaway si James mula nang pasukin na niya ang PBA.

Wala rin siyang inggit sa katawan, basta tahimik lang siya, ang trabaho niya ang pinakikialaman ng basketbolista.“‘Yun ang malaking advantage ni James sa nangyari sa kanila ni Kris (Aquino).

Marami siyang kakampi kahit mula sa PBA, kasi nga, e, wala siyang itinamin na masama sa mga katrabaho niya.

“Kung naging mayabang lang siya, kung naging inggitero man lang sana siya, kahit paano, e, may mga taong magiging masaya sa mga nangyayari sa kanila ni Kris.

“Kaso, e, wala nga, kaya maraming nakakaintindi sa kanya ngayon.

Maraming naiinis sa ex niya, dahil parang masyado naman siyang kinakawawa.

Mabait kasi si James.

Sa hardcourt lang siya kalaban, pero paglabas na du’n, e, wala kang masasabi sa kanya,” kuwento pa ng aming kausap.

Kahit daw nang maging karelasyon na ni James Yap si Kris ay walang-walang nagbago sa kanya.

Hindi niya ginamit sa pagyayabang at bentahe para sa kanyang sarili ang pakikipagrelasyon sa aktres-TV host.

“Hindi niya ‘yun ipinagyabang.

At ewan kung tama ako o mali, para ngang hiyang-hiya pa siya sa mga kasamahan niya dahil baka nga naman sabihin ng iba na user siya, kaya walang-wala talaga siyang ipinagbago,” pagdidiin pa ng aming impormante.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: