Skip to content

COCO MARTIN sinabayan si KRIS AQUINO sa pagbabakasyon sa EUROPE

March 31, 2013

coco martinMatuloy na kaya ang hula na magkakaroon sila ng anak?

Bagong bahay ni Coco sa Q.C. mahigit sa P70M

Marami ang nang-iintrigang magkasama raw sa Paris sina Kris Aquino and Coco Martin na minsa’y napabalitang makakabuo ng baby girl this year.

Marami ang nagtaas ng kilay noon sa manghuhulang si Robert Das dahil imposible namang mabuntis daw ni Coco si Kris eh wala naman silang gusto sa isa’t isa.

Kumbaga, wala naman silang love connect dahil unang-una, hindi naman type ni Coco si Kris.

At mahirap kay Coco ang maging bahagi ng buhay ng isang Kris Aquino kaya — malaking bangungot iyon kung saka-sakali.

“Totoong pumunta sina Kris and Coco sa Paris pero on separate flights.

Hindi sila magkasama. Magkaiba sila ng grupo.

Yes, Kris and Coco has the set of friends sa ABS-CBN pero hindi nila pinlanong magsama sa biyahe. Mga anak niya at ilang barkada ang kasama ni Kris samantalang si Coco naman ay kasama ang tumatayong manager niyang si Biboy Arboleda na close rin kay Kris.

Kasama rin nina Coco si Eric John Salut na nagtatrabaho sa unit ni Deo Endrinal.

“Maaaring magkita rin sila sa Paris pero definitely ay magkaiba talaga sila ng lakad.

Si Coco ay mamimili raw ng furnitures na gagamitin niya sa bago niyang bahay.

As in gusto ni Coco ay mamahaling muebles from Paris and other parts of Europe.

Maraming pera kaya si Coco and afford naman niyang mamili ng mamahaling kagamitan doon, ‘no!” anang isang source natin in the know.

Panalo si Coco.

Balita naming worth P70 million ang ipinatayo niyang bahay sa Quezon City.

Corner lot daw ang nakuha niya sa isang first-class subdivision sa Q.C. at tama lang din naman sigurong mga bonggang furnitures nga ang dapat niyang ilagay doon.

Chicken lang daw kay Coco iyon dahil maliban sa malaking kinikita nito sa kaniyang mga teleserye, movies and personal appearances, hindi lang daw pala P35 million ang ibinayad sa kanya ni senatoriable Sonny Angara, more pa raw.

“Di ba sinabi nilang P35 million daw ang singil ng kampo ni Coco kay Sonny Angara, pero ayon naman sa kampo ni Coco ay libre niyang ibinigay ang serbisyo niya sa said politician na wala naman siyempreng naniwala pero ang totoo raw niyan, more than P35 million ang professional fee ni Coco sa kanila.

Para mapapayag mo si Coco na sumama sa mga kampanya ni Angara with matching super endorsement and wearing of his materials, imposible talagang hindi siya binayaran.

“Hindi naman sila magkamag-anak ni Angara, ’no!

Kaya nga afford ni Coco na mamili ngayon ng muebles from Paris kasi nga nakobra na nila ang dahtung nila sa Angara group, ’no!

Napakayaman kaya nina Angara kaya wala rin sa kanila ang pagbayad ng ganoong kalaking halaga.

Tsaka, in fairness, ang laki ng naitulong ni Coco para sa pagsikat ni Sonny kaya bawi naman sila,” sey pa ng kausap natin.

Well, sabi nga namin, Coco deserves all these dahil talaga namang he worked so hard para makamit ang lahat ng pangako niya.

Lahat ginawa na niya para marating ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon.

As in, lahat-lahat talaga. Grabe ang pinagdaanan niyang hirap para lamang matupad ang mga pangarap niya.

Congrats, Coco! Ikaw na talaga!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: