Skip to content

SARAH-JOHN LLOYD movie apektado sa mga sumabog na iskandalo sa showbiz

March 27, 2013

sarah geronimoAng dapat daw talagang kabahan ngayon ay itong sina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz dahil ngayong Sabado de Glorya (Marso 30) na ipapalabas ang third movie installment nilang “It Takes A Man And A Woman” under Star Cinema.

Natabunan kasi ng mga iskandalong love affair and child’s rights ang supposedly balik-tambalan ng dalawa after four years na in all fairness naman sa trailer ay nakakakilig talaga, marami naman daw kasing bagong ipinakita sa movie si direk Cathy Garcia-Molina.

Well, naniniwala naman kaming may huge following ang tandem nina Lloydie at Sarah and when we say “huge” ay sila yung hindi mangingiming magbayad sa mga sinehan just to have an hour-plus enjoyment time sa kuwento nina Layda Magtalas at Miggy Montenegro.

“Basta kaming mga Popsters na forever na yatang isesemento sa emosyon namin ang kikay, kalog at jologs na Sarah Geronimo, ay talagang pipila sa mga sinehan sa March 30,” sigaw ng isang katropang Popsters.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: