Skip to content

Pag-iyak ni HEART sa GMA 7 mas makatotohanan daw kesa paghagulgol ni KRIS sa ABS-CBN

March 27, 2013

heart krisUsapang showbiz na lang daw between Kris and Heart’s TV appearances.

Ayon sa mga observers, marunong palang umiyak si Kris nang tumutulo ang luha nang wagas.

May pagka-teknikal nga lang daw ang “cue” ng patak ng mga luha nito sa impit at delivery ng mga linya niya.

Kung type raw nating panoorin uli ang TV Patrol episode niya with Ted Failon, paki-take note daw nang mabuti yung mga litanya niya on James’ allegations kung saan naka-steady ang mga mata nito habang nagpipilit umiyak as compared du’n sa pag-iyak niya while talking about Bimby, and her announcement of quitting showbiz – again.

Pero mas hamak daw na sympathetic at magaling ang naging pag-iyak ni Heart sa HOT TV ng GMA 7 last Sunday.

Mas klaro raw ang mga points na sinabi nito at mas makatotohanan ang mga naging tugon ng aktres sa mga tanong ng host na si Raymond Gutierrez – diretso raw kasi ito at walang ek-ek.

“She’s more articulate at alam mong nakikinig sa tanong ng host.

Hindi umiiwas sa isyu kaya mas naging maliwanag sa manonood ang pakikipaglaban niya para kay Sen. Chiz Escudero,” obserbasyon ng kausap namin.

Well, ayon sa ibang balita, hindi naman daw nakaapekto sa ratings ng TV Patrol ang appearance ni Kris with her sisters.

Steady at walang naitalang bonggang numero para matawag na “sensational” ang gabing ‘yun ng TV Patrol. Same with HOT TV and Heart’s appearance last Sunday.

Kung meron daw konting naidagdag sa numero ng show eh, hindi rin daw ito matatawag na big deal.

Ano kaya ang ibig sabihin nito ha, kapatid na Ervin at mga ka-BANDERA?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: