Skip to content

KRIS nainggit, selos na selos daw sa maganda at matalinong GF ni JAMES

March 26, 2013

Akris aquinoyaw makitang maligaya ang dating asawa kaya umeksena

Napakarami naming tinatanggap na mensahe na kung maaari raw ay ipakiparating namin kay Kris Aquino.

Hindi kagandahan ang mga mensahe, galit ang ating mga kababayan sa pinakahuling isyung kinasangkutan niya, halatang-halata na kampi ang mga taong ‘yun sa basketbolistang si James Yap.

Nagmarka sa kanila ang binitiwang pahayag ni James na sinabi raw sa kanya ni Kris, ang makasaysayang lintanyang baka hindi alam ng basketball player na may tatlong taon pa ang kanyang kapatid bilang pangulo, yabang na yabang kay Kris ang ating mga kababayan tungkol du’n.

Sa personal naming opinyon ay may kapasidad talaga si Kris na sabihin ang ganu’n katulis na litanya, si Kris pa, meron ba naman kasi siyang hindi kayang sabihin?

Para sa iba naman ay selos ang pinag-ugatan ng kanilang engkuwentro ngayon, nagselos si Kris sa girlfriend ngayon ni James, nakaramdam ng insekuridad ang aktres-TV host dahil maganda na ang babae ay matalino pa.Ganu’n si Kris.

Ayaw niyang nakikitang maligaya ang dati niyang karelasyon.

Remember, ganyan din ang scenario nu’ng maghiwalay sila ni Mayor Joey (Marquez), di ba? Selos din!

“Pero ano’ng ginawa niya?

Gumawa siya nang matinding issue, kesyo tinutukan daw siya ng baril nu’ng karelasyon niya, kesyo hinawahan daw siya ng sakit, nakakaloka talaga ang babaeng ‘yun!” reaksiyon ng isang nakakuwentuhan namin.

Palyado na nga ang kredibilidad ni Kris Aquino.

Wala na halos naniniwala sa kanyang mga pinagsasasabi ngayon, sa kanya bumabalik ang kanyang mga akusasyon, the girl who cried wolf nga ang tawag sa kanya ngayon ng ating mga kababayan.

How sad.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: