Skip to content

KRIS & JAMES affair simula pa lang sira na

March 26, 2013

bandera-4USAPANG Kris at James, Chiz at Heart, walang tama o maling posisyon o opinion dito ng mismong mga nasasangkot na mga malalaking pangalan, pati na mga tinig nating lahat na mga miron sa pinakamalaking reality-based drama na wala man tayong choice ay nasa atin ng kamalayan, kasama sa ating huntahan, sabihin man ng ibang wala silang pakialam, papasok at papasok sa usapan, aminin, may one liner ka rin dito, ikaw na ang sabi’y deadma ka lang sa usapin.

Ang pinakamadaling yugto ng isang relasyon ay ang pagsisimula.

Pinakamahirap ang pagtatapos.

May mga kuwento ng relasyon o sabihin na nating pagmamahalan na sa simula pa lamang, may mga indikasyon na ito ay magiging mabuway na sa kalaunan, at sa pagkawasak ng pundas-yon sa katagalan, lundo ng isang simula na mahina ang pinagbatayan.Pangangahasan kong sabihin na sa simula pa lamang, ganito na ang kuwentong Kris Aquino at James Yap.Kris has a very rich imagination magnified by a very wide variety of influence and interests.

Her world is both creative and cerebral.

Kaya nga ang bansag sa kanya hindi ba, Multi-Media Queen.

James on the other hand is a simple and straightforward person with a very limited point of interest and perspective.

Given the age difference between him and Kris, the gap in many aspects of how lives are lived together 24/7 really entails Herculean challenge for the both of them from day one of their union.

Magkaiba silang mag-isip, magkaiba silang dumama ng mga bagay-bagay, magkaiba sila ng pa-ngarap, magkaiba ang nagpapasaya sa isa kaysa sa isa.

Sa madaling salita magkaiba sila ng mundo.

Ang dalawang mundong ito ay nagpanagpo lamang sa gitna nang ang isang Bimbi o nauna nating nakilala sa tawag na Baby James na siyang naging biyaya ng kanilang pagsasama.

Si Bimbi ang kanilang common ground at kanilang common interest.

Sa patuloy na usad ng real life drama nina Kris at James, ang inaasahang maghahatid sa kanila sa resolusyon ay ang kanilang hiwalay ngunit parehong pagmamahal sa kanilang anak na si Bimbi.

Huwag na nating sukatin kung sino ang mas nagmamahal o mas nagbibigay ng panahon sa bata.

Kung points ang pag-uusapan, i-tie na natin sina Kris at James dito.

Kung ang kapakanan at kalagayan lamang ni Bimbi ang kanilang titingnang pundasyon sa kinahinatnan ng relasyon nila ngayon, madali ang magparaya ang isa’t isa.

At para sa kapakanan ng sambayanang Filipino na sapilitang nahila sa usapang ito, umaasa kaming ito ang kanilang gagawin, ang kalimutan ang kanya-kanyang interes at ang iangat ay ang kapakanan ng kanilang anak na si Bimbi.

Ngayon, usapang Chiz at Heart naman.

“What I did for love?”—hindi lang mga celebrity ang may karapatang sumagot sa tanong na ito.

Bawat isa, ke sa Baseco Compound ka nakatira o sa Forbes Park kaya o Ayala, Alabang, may kuwento at kuwento kang matitisod na pag-ibig na gagawin ang lahat, maipaglaban lamang ang kanyang sinisinta, ang kanyang nililiyag, ang kanyang pinakamamahal.

Oo, singluma ng mga plot ng pelikula nina Rogelio dela Rosa at Carmen Rosales na formula din ng mga kuwentong nagpasikat kina Guy and Pip, kina Sharon at Gabby, kina Romnick at Sheryl, kina Gerald at Kim etcetera, etcetera.

Editor:  Abangan bukas ang kasunod ng artikulong ito.  May tanong, komento ba kayo i-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: