Skip to content

HEART mas type dyowain ang mga lalaking ‘MAGINOO PERO MEDYO BASTOS’

March 26, 2013

chiz escuderoSorry na lang daw kina Mr. & Mrs. Ongpauco

Sarah dapat tularan ang katapangan ni Heart

SARI-SARING reaksiyon ang narinig namin sa iskandalong kinasasangkutan ng magdyoang Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero from people in the streets.

Merong natutuwa kay Heart dahil ipinaglalaban daw nito ang kanyang karapatan bilang isang 28-year-old na dalaga – di raw tulad ni Sarah Geronimo na sunud-sunuran pa rin sa kanyang mga magulang kahit 24 na.

“Alam naman nating masakit talaga ang mawalay sa mga magulang but you know, when you reach a certain age, you have to make decisions.

Hindi puwedeng palagi ka na lang nabubuhay sa anino ng mga magulang mo.

Hindi naman lingid sa kaalaman nating talagang hands-on parents sina Mr. and Mrs. Rey and Cecille Ongpauco sa baby nilang si Heart and it’s really painful pag sinuway ka ng pinakamamahal mo anak.“But you know, you have to accept the fact that your daughter is no longer a child, kailangan din niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.

Kailan pa ba siyang matututo sa buhay, hihintayin pa ba niyang mawala ang mga magulang niya sa mundo bago siya mag-aral magsimula?

“Mali namang kahit 28  na si Heart ay kailangan pa niyang magpagabay sa parents niya, and by making major decisions especially sa matters of the heart doesn’t mean na hindi niya mahal ang mga magulang niya.

Heart needs to grow, she needs to go through some pains para matuto.

Hindi naman bed of roses ang buhay ng isang tao, di ba?

“Napakarami nating naririnig na kuwento about Sen. Chiz, sabi nila may pagkabastos daw talaga ‘yan kapag nakainom.

Hindi ba’t may lumalabas pang issue na nananakit pa ‘yan ng girlfriend?

Pero sabi ko nga, baka iyon naman ang hinahanap ni Heart. I’m not saying na masokista si Heart pero baka nagsawa na siya sa mga pa-tweetums na mga lalaki.

“Baka pagod na siya sa mga lalaking naa-under niya at nag-i-enjoy siya sa challenge ng pakikipagrelasyon sa isang lalaking brusko.

Isang lalaking hindi niya kayang ma-overpower.

Baka si Sen. Chiz na nga ang type ni Heart.

Di ba’t may kanta si DJ Alvaro,  yung tipo niyang lalaki na maginoo pero bastos?” sabi sa amin ng  isang  may konting alam sa Psychology.

I also agree. Heart’s mom is someone very loving and decent.

Love ko iyan pero I also feel for Heart na kailangan ding kumawala kahit konti lang sa parents niya.

She’s of age na para magsimulang mag-decide for herself. But you know, she must do it in a way na hindi nakakabigla sa parents niyang nasanay na sa dating sistema nila.

Mahirap lang talaga sa simula pero kalaunan ay matatanggap din nila ang malaking pagbabagong ito.

It’s just a matter of mabuting pag-uusap.

Hindi mo rin masisisi ang parents ni Heart na magdamdam dahil concerned lang sila sa anak nila.

Wala namang magulang na nais mapasama ang anak nila.

Kaya lang naman sila kumukontra dahil sa mga nakita nilang bad traits diumano ni Sen. Chiz.

Pero anong magagawa nila kung keri naman ni Heart ang personality na ito ni Chiz.

Pero pasasaan ba iyan at maayos din pagdating ng tamang panahon.

They will be able to fix that sooner or later, believe me.

“Iba rin kasi ang appeal ni Papa Chiz, di ba?

Unlike Jericho Rosales or Daniel Matsunaga before na sunud-sunuran kay Heart.

Baka nasukol nang husto ni Chiz ang weakness ni Heart kaya ganoon na lang ka-submissive ‘yung girl sa kanya.

Plus the fact na nakitaan ni Heart ng potensiyal ang sarili niyang maging First Lady one day should Sen. Chiz become president. Malay natin, di ba?

Hindi naman masama ang mangarap,  single na naman si  Sen. Chiz.

“Kahit hindi pa annulled ang church wedding niya, the fact that his annulled civilly, at least sigurado si Heart kahit paano na malaki ang chance niyang maging legal wife pag nagpakasal sila one day.

Kesa naman matulad siya kay Sarah Geronimo na at 24 ay wala pang kalayaang magmahal kaya posibleng tumandang dalaga na lang.

Pero dapat na ring matakot ang parents ni Sarah dahil baka one day bigla na lang silang layasan ng bata,” anang isang kaibigang bading na reporter.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: