Skip to content

2 MANAGER ni KRIS binalaan ng korte, bawal ding magsalita tungkol kay JAMES at BIMBY

March 26, 2013

kris aquinoMay gag order din pala ang dalawang managers ni Kris Aquino  na sina Deo Endrinal at Boy Abunda na nagsabi sa aming, “Reggs, I’m not allowed to talk, pasensiya na.”

Si Deo ang manager ni Kris sa shows niya sa ABS-CBN at pelikula samantalang si kuya Boy naman sa endorsements kaya maski na anong kulit namin tungkol sa biglaang pagbibitiw ng Queen of All Media sa showbiz ay hindi sila sumasagot.

Pero hindi nakatiis si kuya Boy na hindi magbigay ng impormasyon tungkol sa endorsements ni Kris sa The Buzz noong Linggo.

Pigil ang luha ni kuya Boy dahil hindi niya alam kung paano siya magsisimula sa mga gusto niyang sabihin dahil nga may gag order siya, “Ang hirap ng pinagdaraanan, sana’y fair, sana mangibabaw ang hustisya, sana mangibabaw ang katotohanan because, there is a child involved,” sabi nito.Samantala, pagkatapos ng panayam pala ni Kris sa TV Patrol (Huwebes) ay nabanggit niya na gusto niyang bumalik sa pag-aaral kapag wala na siya sa showbiz.

Ayon sa report ng ABS ay sinabi ni Kris na,  “Hindi ko alam, pero gusto kong mag-aral.

I kept telling Atty. (Frank) Chavez nu’ng binabasa ko lahat nu’ng mga law, sabi ko, ‘I should have been a lawyer.

’ Sabi niya, ‘You can still be.’ It will only take five years even with the schedule daw. Isa ‘yan sa mga options ko.”

At kung matuloy sa pagbabalik-eskuwela ni Kris ay malaki na talaga ang posibilidad na pasukin na niya ang pulitika?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: