Skip to content

KARYLLE nai-in love na kay CHRISTIAN BAUTISTA?

March 25, 2013

christian bautistaSweet na sweet sa isa’t isa nang magkita sa b-day party

MAY kilig nga bang na nararamdaman sa isa’t isa sina Karylle at Christian Bautista?

Nag-celebrate kasi ang dalaga ng kanyang kaarawan noong Biyernes ng madaling araw kasama ang ilang talents ng Stages na management company nila ni Christian.

May nag-post ng video sa Facebook na binigyan ni Christian si Karylle ng cake at pina-blow ng candles at dinig na dinig sa video na hinihilingang i-kiss ng binatang singer ang dalaga at kitang-kita na pareho silang kinilig.

Di ba bossing Ervin, may something noon ang dalawa na hindi lang natuloy dahil pareho silang busy?

Pero ramdam mo sa kanila na pareho silang nagki-care sa isa’t isa. Hanggang sa umeksena na nga si Yael Yuson sa buhay ni Karylle.

At noong ginagawa nila ang Kitchen Musical sa Singapore ay dito naman nakilala ni Christian ang kasalukuyang girlfriend niya ngayon na si Carla Dunareanu na nandito na rin sa Pilipinas at DJ naman sa Magic 89.9 FM.Going back to the birthday celebration of Karylle ay bakit kaya hindi nila kasama sina Yael at Carla?

Bago umalis si Christian sa party ay mahigpit pa niyang niyakap si Karylle habang nakatingin naman sa kanya ang dalaga.

Anyway, balita namin boto ang daddy ni Karylle na si Dr. Modesto Tatlonghari kay Christian, so ibig bang sabihin, hindi niya type si Yael?

Well, nasa edad na si Karylle at siya pa rin ang magdedesisyon kung sino ang gusto niyang makasama habambuhay.

Pero sa totoo lang, boto rin kami kay Christian para sa dalaga. Ha-hahaha!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: