Skip to content

BIMBY bumaba ang grades sa school, lagi raw tahimik at tulala

March 25, 2013

kris aquinoMismong mga teacher daw ang nagsumbong kay Kris

‘May kabastusan din pala ang bunganga ni James!’

AS of this writing, tumangging magbigay ng pahayag sa mga naghihintay na media ang kapwa abugado ng Queen  of All Media na si Kris  Aquino at James Yap pagkatapos dinggin sa korte ang Hold Departure Order na isinampa ng kampo ng basketball player laban sa ex-wife niya noong Biyernes ng umaga.

Malamang ay sinabihan  ang mga abugado nina Kris at James na gawing pribado ang naganap na usapan sa loob ng korte sa pagdinig ng kanilang kaso.

Pero ang resulta ng preliminary hearing, pinaboran ng korte si Kris at pinayagang makaalis ng bansa kasama ang kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby.

By the time lumabas ang kolum na ito ay nasa Europe na ang mag-iina para sa kanilang Holy Week vacation. Ayon sa isang lawyer na nakausap namin, wala naman daw talagang bigat ang isinampang kaso ni James dahil ang HDO ay gina-grant lang kapag ang concern nito ay threat to national security.

Sa kaso nina Kris at James, malinaw na personal at pampamilya ang ugat ng problem ang pagsampa ng HDO sa korte.

Pupunta ng Paris si Kris dahil na rin sa hiling ni Bimby na pumunta sila sa Disneyland.

Tamang-tama naman dahil bakasyon na sa eskwela ang bagets.

Kung ‘di magkakaroon ng aberya, nakatakda silang bumalik sa Pinas sa April 5.

Mismong ang abugado ni James ang nagsabi na wala naman daw silang tutol na ipasyal si Bimby at ang gusto lang daw nilang malaman ay kung kalian aalis at babalik ng Pinas ang bata.

So, more or less,  hindi nga siguro magpo-prosper ang kasong ito ni James.

Sabi pa ng abugado ni James, sana raw naging pribado na lang ang isyu sa dating mag-asawa pagkatapos isa-isang sagutin  ng Queen of All Media sa telebisyon ang mga sinabi ng ex-hubby niya.

E, sino ba ang unang nagpa-presscon? Hindi ba’t si James?

Ayon nga kay Kris, siya ang may everyday show sa  TV.

Kung gusto niyang gumawa ng isyu, e, ‘di sana siya na ang unang nagsalita sa isinampa niyang kaso na Permanent  Protection Order (PPO) laban kay James.

Pero hindi ‘yun ginawa ni Kris at napilitan na lang siyang magsalita pagkatapos  ng presscon ni James.

Naka-relate naman ang maraming ina kay Kris sa sinabi niya na nakita na ang laki ng epekto ng “gulo” nila ni James kay Bimby sa pamamagitan ng grades na nakuha nito sa kanyang pag-aaral.

Maging ang teacher ni Bimby ay nagsabi kay Kris na merong gumugulo sa isip ni Bimby kaya ‘di nakapag-concenrtrae sa pag-aaral.

Grabe rin pala ang mga sinabi ni James kay Kris ayon sa TV host-actress.

Na diumano sabi ni James kay Kris na mabuti raw at meron pang pumatol sa kanya gayong matanda na ang TV host.

If true, e,  medyo bastos din pala ang bibig nitong si James, huh!

Kung sinabi ‘to ni James, kami man si Kris, true man o hindi ang pagbanggit niya diumano sa pangalan ng brother niya na si Presidente Noynoy bilang banta kay James, e, baka mas  matindi pa siguro ang name ng kilala naming kamag-anak  na posisyon ang sasabihin naming, ‘no?

Naintindihan ng marami si Kris kung nasambit man niya kay James ang pangalan ni P-Noy.

Sino pa ba ang kakapitan ni Kris sa gitna ng “pambabastos” diumano sa kanyang pagkababae sa sitwaysong ‘yun ‘di ba?

Imagine, nasa loob ka ng ng bahay mo at nasa kwarto ka pa mandin saka basta ka na lang “iha-harass” ng isang  lalaki?

Ano pa nga ba ang proteksyon  nating mga kababaihan?

Kris Aquino na ‘yan, huh! What more sa isang ordinaryong babae?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: