Skip to content

SUNSHINE gagalitin si CESAR, maghuhubo’t hubad sa magazine

March 24, 2013

cesar sunshineNAKITANG magkasama recently  sina Cesar Montano at Sunshine Cruz, ito’y sa restaurant na pag-aari mismo ni Buboy.

With this, tongues started to wag.

Ang nasa isip ng marami, nagkabalikan na ang ex-couple.

Siyempre, hindi maaaring iyon ang maisip lalo pa’t may nakakita raw na magkasamang sumakay sa iisang kotse ang dalawa.

It was as if they were back in each other’s arms again.

But we highly doubt kung nagkabalikan na nga ang dalawa.

Sunshine was adamant kasi in staying out of Cesar’s shadows.

Nagsosolo na lang siya sa diskarte niya sa buhay kasama ang kanyang tatlong anak na babae.

Hindi nga ba’t she’s on her second (or third) wind as an actress.Yes, balik-showbiz na muli ang dating sexy actress at meron nang naka-line-up na show niya sa Dos.

Baka naman may mahalaga lang na pinag-usapan ang ex-couple kaya nakita silang magkasama.

At dahil gentleman ay inihatid ni Cesar ang dating asawa sa kanyang pupuntahan after their meeting.

Or posible ring gustong makita ni Cesar ang mga anak nila kaya inihatid na niya ito.

Still on Sunshine, hindi lang pala balik-showbiz ang beauty nito.

Tampok din siya sa isang men’s magazine na ilalabas next month.

Sexy raw ang cover pictorial ni Sunshine.

Actually, naging cover na noon si Sunshine and she’s appearing again on the cover after 15 years.

Among celebrity moms ay sexy pa rin naman si Sunshine kaya we’re not surprised that she’s asked to pose anew for the sexy men’s magazine.

Ano ‘to?

Pagrerebelde sa paghihiwalay nila ni Cesar?

Gusto lang kayang asarin ni Sunshine ang kanyang mister kaya magbubuyangyang uli siya ng kanyang katawan?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: