Skip to content

Mga magulang ni HEART natatakot mawalan ng sustento kaya pinalalayo ang anak kay CHIZ?

March 24, 2013

heart evangelistaANO nga kayang kakaibang enerhiya mayroon sa mga petsang March 19, 20, at 21 para kina Kris Aquino, Heart Evangelista at John  Prats, na pare-parehong ipinanganak ng Feb. 14? Aba’y halos magkakasunod at nagkasabay-sabay pa ang pagkakasangkot nila sa iskandalo!

Una, pumutok ang isyu hinggil sa lovelife ni Heart kay Sen. Chiz Escudero na tinututulan pala ng kanyang mga magulang.

Inakusahan pa ng mga parents ng aktres na lasenggo at arogante raw ang senador.

Bigla rin daw nag-iba ang ugali ni Heart nang makipagrelasyon kay  Chiz Escudero.

Mabilis namang dumepensa ang aktres at sinabi pa nitong nasa wastong edad na siya at bigyan naman siya ng karapatang magmahal at piliin ang lalaking gusto niya.

Ipaglalaban nga raw niya ang senador dahil nagmamahalan sila.

Ang latest na tsika ay nagsampa na ng demanda ang parents ni Heart laban kay Sen. Chiz na never naman naming nakilala bilang lasenggo sa tagal ng pagkakakilala namin dito.May mga kababayan pa kami sa Bikol na nagpaabot ng tsika na noong Thursday nga raw ay kitang-kita nila ang epekto kay Chiz (nangangampanya sila doon) ng iskandalo nito kay Heart at halos nababasag ang boses nito kapag si Heart na ang pinag-uusapan.

May mga nagpapalagay na may kinalaman ang pulitika dito lalo’t hindi naman talaga kilalang nagsasalita ang mga parents ni Heart tungkol sa buhay pag-ibig ng kanilang anak kahit pa alam ng buong showbiz na mahilig silang manghimasok sa lovelife ng dalaga.

Mayroon nga kayang mga pulitiko na nakasuporta sa magulang ng aktres para sa laban nila sa Senador?

May tsika namang natatakot na mawalan ng sustento ang mga ito dahil kahit 28 anyos na si Heart at bunso pa, since ito ang may malaking kinikita, nangangamba umano silang mawala ang sustento kapag nag-asawa na si Heart.

Siyempre kinontra ito ng nanay at tatay ng aktres.

Pati nga ang kalusugan ng ama ng aktres ay bahagi na rin ng isyu, pati na rin ang payo ni Sen. Miriam Santiago na mag-sorry na lang si Sen. Chiz sa parents ni Heart kasabay ng pagsasabi sa magulang ng aktres na pakawalan na ang kanilang anak dahil 28 na ito.

“If they say she is not yet ready, then she will never be,” hirit pa ng senadora na siyang nagsilbing tulay sa pagkakakilala nina Heart at Chiz.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: