Skip to content

Maraming empleyado ng ABS-CBN ang biglang mawawalan ng trabaho sa pag-resign ni KRIS

March 24, 2013

kris aquinoNatuloy nang umalis si Kris Aquino at dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby kahapon ng hapon patungong Paris, France kasama ang ilan pa nilang staff.

Ibinasura ni Judge Liza Marie Picardal-Tecson ng Makati Regional Court Branch 144 ang petisyon ni James Yap na pigilan ang pag-alis ng dating asawa kasama ang dalawa nitong anak para sa dalawang linggong bakasyon sa Europe.

Kaya sa ginaganap na court battle nina Kris at James ay obvious na naka-isang panalo na ang una dahil nabalewala ang hold departure order na inihain sa kanila ng tatay ni Bimby.

Samantala, tsika sa amin ng isang taga-advertising agency hindi apektado ang mga TV commercial ni Kris kung sakaling itutuloy na niyang lisanin ang showbiz career niya agad-agad dahil tuluy-tuloy pa rin daw ang mga ito sa ere.Ayon pa, nagpahayag ang lahat ng may-ari ng mga produktong ineendorso ng Queen of All Media na hangga’t gusto niyang suportahan ang mga ito ay hindi siya aalisin bilang endorser kasama ang anak nitong si Bimby.

Kakaiba talaga si Kris, bossing Ervin dahil ‘yung ibang artista kaya kinukuhang endorser dahil sikat at may regular shows para ma-promote ang produkto, pero si Tetay, maski wala na siyang programa ay hindi siya aalisin bilang product endorser.

Anyway, may dalawang linggong makakapag-isip at makakapag-muni-muni si Kris sa ibang bansa, at baka naman pagbalik niya ay maiba na ang desisyon niya tungkol sa pagre-retire sa showbiz.

Baka maisip niyang maraming taong mawawalan ng trabaho dahil sa biglaan niyang pag-alis sa showbiz.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: