Skip to content

KRIS, JAMES binalaan ng korte, bawal nang dumakdak tungkol kay BIMBY

March 24, 2013

Kris James BabyJames‘Hindi dapat nagpapadikta si Kris sa lahat ng gusto ng kanyang anak! Siya ang nanay!’

NAPAKARAMING humula na walang mangyayari sa isinampang hold departure order ni James Yap sa dating asawang si Kris Aquino at anak nilang si Bimby kaya tuloy ang bakasyon ng mag-ina sa Europe.

Pero ang kasong TPO o PPO (temporary protection order o permanent protection order) na isinampa ni Kris laban sa kanya ay agad pinaboran ng korte.

Walang kagatol-gatol iyon kahit ang side lang ni Kris ang narinig.

“Suntok sa buwan ang ginawa ni James. Unang-una, paano nga naman siya kakatigan ng korte na huwag payagang makalabas ng bansa ang kanyang mag-ina, eh wala namang arrest warrant ang mga ito at wala namang nagawang malaking krimen para pigilan ng korte na umalis ng bansa.

Parang hindi naman nag-iisip ang mga abogado nitong si James,” say ng isang tagapagtanggol ni Kris.

“Pero bakit hindi pinakinggan ng korte ang mosyon ni James tungkol sa TPO o PPO ek-ek na ito?

You mean, naniwala agad ang korte that James made sexual advances kay Kris?

Sino ba ang tigang sa kanilang dalawa? Si James ba?

Kaya hindi mo masisisi na mag-isip ang iba na malakas talaga si Kris dahil kapatid niya ang presidente,” ang matapang na sabi naman ng isang maka-James.

“Bago pa man lumabas ang desisyon ng korte, alam na naming mabubutata talaga si James dahil pader talaga ang kalaban niya.

Hindi sementong pader ha, bakal pa kamo,” dagdag pa nito.

Mahirap ding makisawsaw sa usaping ito dahil personal na problema nila iyan.

Silang dalawa lang naman ang tunay na nakakaalam ng katotohanan.

Masyado na nilang nilamon ang lahat ng pahina ng mga newspapers, konting kibot, nasa diyaryo agad sila – balita agad sila sa telebisyon.

Lahat ng mga kaganapan sa buhay ni Kris, agad nasa mga columns.

Hindi ba puwedeng magtira naman sila ng something para sa kanilang pribadong kaalaman lang?

Bakit kailangang lahat ay nakakarating sa media?

Sa totoo lang, nakakaumay na talaga.

“Ako’y talagang takang-taka naman kay Kris kung bakit parang hinayaan na niyang si Bimby ang nagdedesisyon sa buhay niya.

Five years old pa lang ang bata at parang wala siyang control over her son, lahat ng sinasabi ni Bimby ay sinusunod niya.

Dapat siya ang masunod dahil siya ang ina and she has to teach her child to follow her.

“Pag sinabi ni Bimby na huwag siyang mag-make-up, hindi siya magmi-make-up.

Pag sinabi ni Bimby na ayaw niyang may ka-kissing scene siya, sunod agad siya.

Why is it so? Di ba dapat siya ang may desisyon on everything sa kanilang mag-ina?

Bata pa iyan at wala pang muwang sa mundo kaya puwede niya itong diktahan o turuan ng anumang dapat iasta bilang anak.

“The kid must not make major decisions sa buhay nila.

Kung ayaw niyang malaman ni Bimby ang pinaggagagawa niya bilang alagad ng sining, huwag niyang papanoorin ang anak niya ng mga shows niya.

Pakiusapan niya ang mga yaya ng anak niyang ilayo si Bimby sa telebisyon, di ba?

“Nakakaloka rin ang pagiging OA nitong si Kris, eh.

Buong buhay niya ay umiikot na lang kay Bimby.

Mahabagin!” sabi naman ng isang negosyanteng tagapakinig namin sa DZMM.

“Dapat sa kanya ay hindi niya masyadong inilalantad ang kanyang anak sa TV.

Not for anything else, for security reasons ay hindi talaga dapat nakabalandra palagi ang mukha ng anak niya sa commercial ads, sa billboards.

Pero ano ang ginagawang ito ni Kris? Diyos ko, lahat na lang yata ng commercials ay kinuha na nilang mag-ina.

Gusto yata nilang iuwi lahat ng pera ng mga advertisers.

“Talagang pinaghanapbuhay na niya si Bimby.

Di ba’t ilang beses na niyang ipinahayag na ang anak niya ang highest-paid endorser sa bansa? Gosh!

Wala na yata silang gustong itira sa iba. Gusto niya, sila na lang ng anak niya ang kakamkam ng salapi and all.

Kaya hayan, tinapik na naman sila ng nasa Itaas,” komento ng isang kapitbahay namin.

Anyway, may ibinaba raw ng resolusyon ang korte para kina James and Kris – that after nilang mag-wash ng dirty linens in public ay bawal na silang magsalita pa.

Ceasefire kumbaga.

Wala na raw puwedeng magpa-interview sa kanila.

Pero sa tingin n’yo ba ay kayang manahimik ni Kris?

Sa pagka-spoiled brat ng babaeng iyan, tingnan natin kung kaya niyang maging silent.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: