Skip to content

Madalas lasing si SEN. CHIZ ESCUDERO

March 23, 2013

bandera-4SINASABI ni Sen. Chiz Escudero na kaya hindi siya gusto ng pamilya ng aktres na si Heart Evangelista ay dahil siya’y mahirap at mayaman ang mga magulang ni Heart.

Parang pang-sine ang pinalalabas ng senador sa kanyang relasyon kay Heart:

Poor boy meets rich girl.

Poor boy and rich girl fall in love with each other.

Parents of rich girl oppose the relationship because they want a rich boy for their daughter.

Parang sinasabi ni Chiz na matapobre ang mga magulang ni Heart.

Pawang walang katotohanan ang sinasabing yan ng senador.

In a talk I had with Rey and Baby Ongpauco, owners of Barrio Fiesta chain of restaurants, I found that the couple was star-struck with Chiz at first.Nakilala ko si Rey dahil matalik kong kaibigan ang kanyang kapatid na si Rod, may-ari ng Bakahan at Manukan at iba pang mga malalaking restoran.

Mga low-key ang mga Ongpauco at hindi naki-kisali sa pulitika.

“Nang malaman namin na nakikipag-date si Heart kay Chiz, proud na proud kami dahil sinong magulang ang hindi maging proud na ang kanilang anak ay may ka-relasyon na isang senador na bukod sa matalino ay mahal pa ng masa,” ani Rey Ongpauco.

“Nabastos lang kami, Mon” sabi naman ni Baby.

Sa unang pagkikita ng mga Ongpauco kay Chiz, nagpakita na ng walang galang at masamang asal ang senador.

“Naka-slouch siya sa upuan at halos nakahiga na.

Lasing na lasing siya at nauutal sa kanyang pagsasalita.

Tinatanong niya ako kung ano ang aking hanapbuhay.

Sinabihan ko siya na dapat ako ang magtatanong sa kanya at hindi siya sa akin dahil magulang ako ni Heart,” sabi ni Rey.

“Sabi ko kay Heart, anak lumabas na muna kayo at gusto na naming matulog ng mommy mo,” sabi raw niya kay Heart.

Ang unang pagkikita ng mga Ongpauco kay Chiz ay naganap sa dis oras  ng gabi.

Pinilit daw ni Chiz si Heart na makipagkita sa kanila even at that late hour at nangangamoy pa ito ng alak.

Ang pambabastos ni Chiz sa mga Ongpauco ay nasundan pa ng mga iba pang insidente kung saan di sila binabati ng senador kapag nagkikita sila.

Isang beses, dinalaw ni Baby Ongpauco ang kanyang anak sa set ng taping ng teleserye ng aktres.

Nagkandarapa raw ang mga crew at maging ang director na asikasuhin siya.

“Nakita ko ang isang lalaki na naka-slouch sa upuan, nakatitig lang siya sa akin at parang hindi ako kilala.

Ang lalaking yun ay si Chiz. Anong klaseng lalaki yan?” sabi ni Baby.

Naniniwala ang inyong lingkod sa mga sinabi sa akin ng mag-asawa.

Napilitan lang silang lumabas in public matapos kong ibunyag sa column na ito at sa column ko sa INQUIRER ang ibinunyag sa akin ng kanilang kumadre tungkol sa diumano’y masamang asal ni Chiz.

Ang di ko maintindihan ay kung bakit di ni-rerespeto ni Senador Chiz ang mga magulang ng kanyang mahal na si Heart.

Sa Bicol, kung saan nanggaling ang senador, ang panunuyo ng isang manliligaw sa mga magulang ng dalaga ay pinapraktis pa rin.

Sa panunuyo, nag-iigib ng tubig, nagsisibak ng kahoy at naglalaba ang lalaki para sa pamilya ng dalaga.

Hindi lang yan, nagmamano pa ang binata sa mga magulang ng dalaga kahit na di pa sila nagbibigay ng kanilang “oo” sa manliligaw.

Dahil ba siya ay isang senador ay ayaw niyang magpakumbaba sa mga Ongpauco?

Dahil ba siya’y hinahangaan ng masa, na nagbibigay sa kanya ng mataas na ratings sa mga survey, ay napunta na sa kanyang ulo ang kanyang pagiging tanyag?

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Cristy Fermin, isang batikang showbiz columnist at commentator: “Kapag ikaw ay nagpadala sa masyadong pagpupugay ng iyong mga fans at sa kanilang sigaw ng paghanga, tapos ka na.”

Dapat ay ilabas mo sa kabilang tenga ang narinig mong mga sigaw ng paghanga, dagdag ni Cristy.

Dapat din sigurong itigil na ni Chiz Escudero ang kanyang pag-iinom ng alak dahil di niya kayang dalhin ang kalasingan.

May kasabihan na ang alak ay dapat ilagay lang sa tiyan at hindi sa ulo.

Lingid sa kaalaman ng madla, madalas lasing si Chiz.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: