Skip to content

JOHN PRATS sinapak ni JASON; nag-iiyak habang nagso-sorry

March 23, 2013

john pratsIsa pang ipinanganak ng Feb. 14 ang naiskandalo

Pratty: ‘Sorry na lang? E, kung sapakin ko rin siya tapos sabihin ko sorry din?’

IS it a mere coincidence that three popular celebrities (Kris Aquino, Heart Evangelista and John Prats)  who were born on the same day (Feb. 14) are embroiled in controversies all at the same time?

Si Kris, nag-file ng temporary protection order laban kay James Yap.

After that, she is petitioning the court to make it permanent. Bilang ganti, nag-file naman ng hold departure order itong si James.

Natunugan kasi niyang magbabakasyon sa ibang bansa this Holy Week si Kris kasama sina Bimby at Joshua along with some friends.

Kris denied all of James’ accusations in her last interview at sinabing magre-resign siya sa tatlong shows niyang ipinalalabas sa kasalukuyan just to protect her son Bimby from all the intrigues.

When asked about her reaction tungkol sa hold departure order na inihain ni James against her and their son, sinabi ni Kris na napaka-selfish naman ng basketbolista without realizing that she, too, became selfish when she asked the court for a TPO.

Napa-“look who’s talking” na lang kami sa kanyang sinabi.

Next, Heart figured in another controversy after her parents denounced reasons why they want Sen. Chiz Escudero out of their daughter’s life.

But Heart won’t hear of it and decided to stick to her man.

Ipinagtanggol naman ni Chiz ang kanyang sarili sa isang interview sa radyo at sinagot na ang mga pahayag ng parents ni Heart.

“Nakakalungkot lang, alam kong mayaman ‘yung mga magulang niya pero ‘wag naman nilang maliitin ‘yung pagkatao ko dahil lamang mas nakararangya sila,” sabi ni Chiz.

Pati pamilya niya ay apektado na rin sa issue, “Sinasabi nila, hindi lang sa akin kundi pati sa pamilya ko at pati na rin sa mga anak ko, sobra naman na.

Sana tama na,” sabi niya.

Interestingly, hindi naman sinagot ni Chiz nang punto por punto ang mga accusations ng madir ni Heart na meron siyang “personality problem”, na nakainom siya nang twice siyang bumisita sa bahay ng mga Ongpauco, na gusto diumano niyang ipatanggal bilang manager ang madir ni Heart.

Si John Prats naman, biglang may pasabog na eksena rin.

Reports have it na bigla na lang daw siyang sinapak ni Jason Francisco during the rehearsals of Banana Split habang nasa taping sa Music Museum sa Greenhills.

Tatlong suntok raw ang tinamo ni John mula kay Jason.

It was reported na tinamaan ang actor-dancer sa kanyang cheek at chin.

Wala naman daw kaalam-alam itong si John kung bakit nagwala si Jason at siya ang napagdiskitahan.

Ang chika, nagkaasaran daw itong sina John at Jason at napikon ang huli kaya sinuntok niya ang binata.

To the rescue kaagad ang father ni John at ang girlfriend nitong si Isabel Oli na kaagad na nagtungo sa taping.

As we write this ay merong closed-door meeting sina John at Jason kasama ang ilang executives ng Dos.

Nagmakaawa at iyak daw nang iyak itong si Jason sa daddy ni John para hindi na ituloy ang demanda.

Nagpa-blotter naman daw at nagpa-medical kaagad itong si John.

Sa interview ng media sa aktor, sinabi nitong, “Basta ako, I just want to file a case against Jason Francisco.

Paano kung hindi ako? Hindi puwedeng gawin yun ng kahit na sino, na puntahan ang isang artista at manapak.

“E, di pwede pala yun, na pumunta ako sa set ng ano…at manapak na lang ako! At rason na ganu’n?

Napakababaw naman.

Sa ginawa niya? Ano? Ganu’n? Sorry na lang?

E, kung sapakin ko din siya tapos sabihin ko na sorry din?

“Siguro dapat talagang dumaan sa law, at pagbayaran niya talaga ang ginawa niya,” paliwanag ni John.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: