Skip to content

HEART ‘GINAYUMA’ ni CHIZ; pag-iyak ni MRS. ONGPAUCO walang emosyon

March 23, 2013

chiz escuderoMAS naniniwala kami sa mga naging pahayag nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero kesa sa mga pasabog ng mga magulang ng Kapuso actress.

Ewan ko, pero parang hindi ko maramdaman ang sincerity ng nanay ni Heart habang umiiyak sa harap ng mga camera.

Para kasing pilit na pilit ‘yun, walang feelings.

Hindi rin namin maintindihan kung bakit sinasabi ni Mrs. Ongpauco na hindi alam ng kanilang anak ang kanyang ginagawang pakikipagrelasyon kay  Chiz.

Nakakaloka! Nasa tamang edad na si Heart para malaman kung ano ang tama at mali!

Tsaka, di ba, sila na ang nagsasabi na matalino ang anak nila?

Bakit parang pinalalabas nila ngayon, e, napakaboba ni Heart pagdating sa lalaki? Hindi kami naniniwala diyan.

Sila ang hindi makaintindi sa kanilang anak.

Kung ako sa kanila, hahayaan ko na lang si Heart kung ano ang gusto niyang gawin, ngayon kung dumating ang panahon na magsisi ang dalaga sa pagkakamali niya, du’n na sila umeksena.

Tapos parang pinalalabas pa nilang “ginayuma” ni Chiz si Heart dahil sunud-sunuran lang daw ito sa mga gusto ng senador?

Me ganu’n talaga?

Tsaka kung gusto nilang maayos ang kanilang problema, tigilan na ang pagpapa-interview sa media, du’n sila nabubutasan sa tunay nilang motibo.

Pwede namang ayusin ang isang problema ng pamilya nang hindi na luma-labas sa TV, di ba?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: