Skip to content

‘VALENTINE GIRLS’ HEART at KRIS inaatake ng kamalasan

March 22, 2013

heart krisBOTH were born on Feb. 14 – yes, totoo iyan.

Parehong ipinanganak ng Valentine’s day ang dalawa nating stars na nasa headlines ngayon – sina Kris Aquino and Heart Evangelista.

Parang may message na ipinaparating ang tadhana! Ha-hahaha! Mismong mga taong ipinanganak na sa Araw Ng Mga Puso ang nasasaktan ang mga puso ngayon.

Unahin natin si Heart Evangelista at ang sigalot na nasuungan ng kanyang mga magulang na sina tita Cecille and tito Rey Ongpauco laban sa kanyang current flame na si Sen. Chiz Escudero.

Grabe ang mga description ng mag-asawang Ongpauco kay Sen. Chiz – lalo na ang pagiging alcoholic diumano nito at pagiging bastos sa kanila.

Hindi raw marunong magbigay-galang ang senador. Nagbanta pa ang mga ito na idedemanda si Chiz.

Si Heart ang medyo naipit sa dalawang nag-uumpugang bato.

Kanino kaya siya kakampi? Sa mahal niyang mga magulang o sa lalaking nagpapatibok ng kanyang puso.

Heart stated that she is already 28 and has the right to choose on what to decide and who to love and be with.

May point naman siya actually dahil magmula nga naman nang matuto siyang magmahal ay palaging nakikialam ang kanyang mga magulang, mismong si Heart na ang nagsabi na naulit na naman ang nangyari sa kanila noon ni Jericho Rosales.

Hindi rin natin maiaalis sa parents ni Heart ang sobrang pag-aalala sa kanilang anak dahil nakasanayan na nilang nakasubaybay sa buhay nito.

Mali man kung mali na naging stageparents sila to her pero ganoon talaga, iyan ang naging buhay nila noon kaya hindi na ito kataka-taka kung dala-dala pa nila ‘yan hanggang ngayon.

Sinabi naman ni Heart na nirerespeto pa rin niya ang kanyang parents, pero sana raw ay hayaan na siya sa kanyang buhay dahil nga 28 na naman siya.

As far as Sen. Chiz’s being alcoholic issue is concerned, totoo ba ito?

Alam ko na umiinom si Sen. Chiz pero pag sinabing alcoholic, ibang level na ‘yun.

Yung tipong hindi ka na nakakatulog pag hindi ka nakakainom. Ganoon ba si Chiz?

Kung totoo ito, masama iyon, ha.

Kahit sabihin pang siya ang tipong alcoholic na hindi naman basagulero or parang si Baron Geisler na takaw-away, masama pa rin iyon.

He has to cure that dahil masama sa kalusugan niya ito.

Pero kung normal drinker lang naman si Sen. Chiz, tulad ng pagkakilala ko sa kanya, I don’t see anything wrong with it.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: