Skip to content

JOHN LLOYD echos lang ang pagku-quit sa showbiz

March 22, 2013

JOHN LLOYDDAHIL sa pagpapakita ng emosyon ni John Lloyd Cruz matapos nitong mapakinggan ang mga papuri mula sa mga katrabaho sa pelikula ng Star Cinema, ang “It Takes A Man And A Woman”, ay may mga nang-iintriga kapatid na Ervin na baka raw gumigimik lang ang magaling na aktor.

Lalo pa’t naulit pala ito nu’ng maging guest din siya sa The Buzz noong Sunday, a few hours after nga nilang humarap sa presscon that same day para sa promo ng third installment ng tandem nila.

Well, nasaksihan namin ang naturang pagbabahagi ng emosyon ni Lloydie na humantong nga sa pag-iyak nito hatid ng masaya nilang kuwentuhan tungkol sa movie at para sa amin ay nadala marahil si Lloydie ng mga overwhelming responses and reactions lalo pa’t nauna na rin niyang sinabi na baka gawin niyang magretiro ng maaga sa showbiz to enjoy his family life.

At 29, at sa tagumpay ngayon ni Lloydie, posible ngang sabihin ng iba na parang madaling sabihin ng isang gaya ang ganu’ng plano dahil matagumpay ito bilang aktor.

Pero kay Lloydie na mismo nanggaling na kapag nagplano siyang magpamilya ay ipapangako nga niyang dito maglalaan ng maraming oras.Kaya  ang tanong ng marami ay kung kailan naman kaya ito mangyayari?

May mga nagpapalagay na gumigimik lang ang aktor.

Well, basta kami kapatid na Ervin, sa napanood naming trailer ng movie, feel naming makakabawi ng bonggang-bongga ang Star Cinema dahil tiyak na gagawa uli ito ng history sa box-office.

Sa tindi ng kilig at aliw factors ng movie na tatak-Star Cinema talaga at tatak-husay ni direk Cathy Garcia Molina, masasabi nga nating madadagdagan ang mga movies ni John Lloyd na mananatiling buhay at nasa puso natin kahit pa matuloy ang kanyang  early retirement sa showbiz.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: