Skip to content

‘JAMES hindi na kailangang mamilit ng mga babae para may maka-sex!’

March 22, 2013

james krisaAnother Valentine girl na nasa headline ngayon, sino pa – eh, di ang walang kapagurang si Kris Aquino na hindi na nawawalan ng istorya sa pagkatao niya.

Talagang born to be controversial ang babaeng ito, kahit walang isyu ay nakakagawa ng sariling balita para mapag-usapan lang.

Pero itong huli niyang nasuungan against her former husband James Yap ay mukhang real naman, hindi orchestrated.

Mukhang seryosong usapin na  ito.

Hindi na naman siguro lingid sa kaalaman nating lahat ang kuwento tungkol sa latest na kaganapan sa kanila, kabilang na diyan ang sinasabi ng kampo ni Kris that James seduced her when he visited her and their son Bimby sa condo nila.

Sa layman’s term, pinilit ni James si Kris na makipag-churvahan sa kanya pero hindi pumayag ang babae.

Kaya raw pumagitna ang anak nilang si Bimby that time at pilit na pinaaalis si James dahil sinasaktan daw ng ama niya ang kanyang mama.Nagsalita na si James at umiiyak pa nga ito, wala raw ganoong senaryo.

Sinabi ni James na mismong si Bimby ang nagsabi sa kanya na tinuruan ni Kris ang batang magalit sa ama.

Kumbaga, sinisiraan diumano ni Kris si James sa kanilang anak.

“Naniniwala ako sa sinasabi ni James.

Kasi nga, kilala na natin si Kris, mahusay gumawa ng kuwento.

Sino ba ang tigang sa kanilang dalawa para gumawa ng ganu’n?

Napakaraming babae ang naghahabol kay James, star basketball player iyan kaya siguro naman, hindi niya pipilitin si Kris na makipag-sex sa kanya.

“I am not saying that Kris may, but definitely not James.

Makikita mo naman sa interbyu kay James na sincere ito compared to Kris when she speaks.

Malakas lang ang loob ni Kris dahil nakapuwesto ang kanyang kapatid,” anang isang observer.

How true na sinabi raw ni Kris kay James na alalahanin daw nitong hanggang 2016 pa sa posisyon ang kuya Noy niya kaya huwag siyang magkamali.

Kung totoo mang sinabi ni Kris ito, that is sending a wrong signal.

That’s very unjust.

Pero of course, we give Kris the benefit of the doubt though alam naman nating she’s capable of saying that.

We yet have to hear Kris’ side on this issue.

Basta sa pagkakaalam natin ngayon, nag-file na siya ng Temporary Protection Order for her, their son Bimby and their household helps – na bawal si James lumapit sa kanila.

Samantala, si James naman ay nag-file daw ng Hold Departure Order laban kay Kris dahil nalaman nitong bibiyahe si Kris for Europe with an entourage in a few weeks time. O, di ba?

Palaban na rin ngayon si James, ha!

Hay naku, mabuti na lang at April 16 ang birthday ko. Hindi Feb. 14. Ha-hahaha!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: