Skip to content

HEART tinatratong ROBOT kaya sunod-sunuran lang sa lahat ng iutos ni CHIZ

March 22, 2013

chiz heart evangelistaHindi na raw nakikipagkita sa mga magulang

Matinding pinagpipistahan ngayon ang kontrobersiya sa pagitan ni Senator Chiz Escudero at ng mga magulang ni Heart Evangelista.

Sa unang pagkakataon mula nang makipagrelasyon si Heart ay ngayon lang lumabas sa kanilang pribadong buhay ang mag-asawang Rey at Baby Evangelista para magsalita tungkol sa kanilang pagkontra sa karelasyon ng kanilang dalaga.

Nakagugulat ang kanilang mga akusasyon sa magiting na mambabatas, kaba-ligtaran ‘yun ng inaasahang ugali ng publiko tungkol kay Senator Chiz, inilarawan siya bilang isang bastos at aroganteng personalidad ng mga magulang ni Heart.

Ayon sa ama ni Heart, “Kapag napapanood ko kasi siya sa TV, e, parang iba siya. Matalino, magaling magsalita, pero sa unang pagkikita pa lang namin, nagbago na ang impression ko sa kanya. Bastos siya, arogante!

“Meron bang ganu’n?

Nanliligaw ka pa lang, arogante ka na?

Lasing kang haharap sa mga magulang ng babae?

“Bahay namin ‘yun, e!

Pero basta na lang siya mauupo nang pa-slouch, with open legs pa, kabastusan ang ganu’n,” akusasyon pa ng ama ni Heart.

Ang gustong mangyari ngayon ng mag-asawang Evangelista ay ang iwan muna ni Senator Chiz si Heart para makapag-isip diumano nang maayos ang kanilang anak.

Sa kanilang opinyon kasi ay parang masyado nang namamanduhan-nagmimistulang robot si Heart na sunud-sunuran sa senador, hindi na raw nila nakikita ngayon ang dalaga, hindi na raw nila alam kung nasaan ngayon si Heart.

Tumiyempo pa naman ang kontrobersiyang ito sa nalalapit na halalan, natural lang na may mga kababayan tayong nagdadalawang-isip na ngayon sa pagbibigay ng kanilang boto kay Senator Chiz, kundi man magiging malaki ay siguradong makaaapekto pa rin sa kandidatura ng senador ang mga akusasyong ibinato sa kanya ng mga magulang ni Heart.

Nanindigan naman si Heart Evangelista na walang masamang ginagawa sa kanya si Senator Chiz, kaya sana raw naman ay huwag na siyang idamay pa at ang kanyang pamilya sa kontrobersiya, lumalabas ngayon na parang mas pumapanig ang aktres sa kanyang karelasyong mambabatas kesa sa kanyang mga magulang.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: