Skip to content

Handa na po akong masira ang career at buhay ko! – JAMES YAP

March 22, 2013

kris bimbyWala nang pakialam kay Kris, basta ipaglalaban niya si Bimby 

Kris gusto nang ‘ampunin’ si Bimby, James tumanggi

NAIYAK si James Yap when he learned about the temporary protection order filed by his ex-wife Kris Aquino.

Awa ang naramdaman namin when James narrated what transpired between him and Kris last Dec. 3, 2012  nang bisitahin niya ang kanyang anak na si Bimby.

Ang kuwento niya, nang paalis na siya ay  humiling siya ng kiss kay Bimby.

“As a tatay sobrang nasasaktan ako dahil sinasabihan ako ng anak ko, ‘I don’t like you.

You’re a liar.’ Iniisip ko, ano ba ang ginawa ko.

Wala naman akong ginawa. ‘Tas tinatanong ko, ‘Sino’ng nagtuturo sa ‘yo, sino’ng nagtuturo sa ‘yo?’ ‘Mama, mama.’”

Kuwento pa ni James, “Papaalam na sana akong umalis. Sabi ko, “Bim, kiss mo na si Papa kasi aalis na.

Sinabi ni Bim, ‘I don’t like!’ Tapos ako naman sinabi ko, ‘Bim, ‘pag hindi mo i-kiss si Papa iki-kiss ko si Mama.’ Lumapit ako kay Kris, hinawakan ko siya dito (motioning Kris’ shoulder).

Hinawakan ko siya, ‘pag hawak ko, sabi ko, ‘Bim, look, o, iki-kiss ko na ‘yung Mama mo.’

Tapos biglang si Kris nagsabi na ‘Sinasaktan mo ako, ‘you’re hurting me.’ Siyempre ‘yung bata akala talaga (ay) sinasaktan siya.’

“Handa na akong masira ang career ko, ang buhay ko, basta maipakita ko sa anak ko na ipinaglaban ko siya.

Wala na akong pakialam kay Kris.

Gusto ko lang makasama ang anak ko,” he was quoted to have said sa isang website.

Ibinuking din ni James ang tila pagbabanta ni Kris sa kanya, sabi raw sa kanya ng dating asawa, “Baka nakalimutan mo, may three years pa ang brother ko!?” Sabi pa raw ni Kris, “Nakita mo ba kung saan na ‘yung mga ex ko ngayon, wala ng mga career.

Sabi niya, baka ganu’n ang gawin ko sa ‘yo. Isang iyak ko lang sa TV, maniniwala na sa ‘kin ‘yung mga tao.”

Atty. Frank Chavez, Kris’ lawyer, denied James’ statement, “Hindi sinabi ni Kris ‘yon.

I just asked her over the phone just now. She never said that,” sabi ni Atty. Chavez.

Reading an entertainment website, marami ang kumampi kay James.

One said na how could James seduced Kris kung naroroon si Bimby?

Another one countered, bakit hindi nag-file ng reklamo si Kris kung totoong sinaktan siya ni James.

May ulat naman na kaya raw biglang naimbiyerna si Kris ay dahil hindi pumayag si James na ampunin ng TV host ang kanyang anak.

Hindi pumirma ang PBA player ng Affidavit of Consent para sa adoption ni Bimby.

Matapos kasing ma-annull ang kasal ng dalawa, ipinapalagay na ng batas na “illegitimate” na ang kanilang anak.

Ayon sa abogado ni James, “By simply not signing, hindi po nag-progress yung adoption.

Ayaw ni James, e.”

Talagang ipaglalaban daw ni James  Yap ang kanyang anak, kahit ano pa ang mangyari sa pagitan nila  ni Kris Aquino.

Any comment, Kris?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: