Skip to content

CHIZ: Kahit gaano pa sila kayaman, hindi ‘yun lisensiya para yurakan nila ang pagkatao ko!

March 22, 2013

chiz escudero“Kahit gaano karami siguro ang pera nila, hindi naman siguro lisensya yun para maliitin ang sinuman, o yurakan yung katauhan ko!” Ito ang naging tugon ni Sen. Chiz Escudero sa mga panlalait at pang-aalipusyta diumano sa kanya ng mga magulang ni Heart Evangelista.

Ayon pa sa senador, “May sasabihin lang ako kung puwede.

Hiwalay ang personal kong buhay sa trabaho ko pero pilit pinapasok ang personal kong buhay sa trabaho ko.

Hangga’t maaari ayaw ko sanang magsalita tungkol dito pero nadadamay na ang mga anak ko, medyo may isip na sila, ayaw kong dumating sa puntong kakantyawan sila ng mga kaklase nila tungkol dito.

“Pilit kong iniintindi at inuunawa ang mga magulang ni Heart pero hindi na tama ang ginagawa nila sa akin.

Hindi na rin tama ang ginagawa nila sa amin, hindi na rin tama ang ginagawa nila sa anak nila.

Tatay din ako, mahal ko rin ang mga anak ko, pero hindi ako mandadamay, mananakit at maninira ng kapwa sa ngalan ng pagmamahal ko sa anak ko. At kung mayroon man akong diperensya kung saka-sakali sa mga anak ko, hindi ko isasapubliko, hindi ako magpe-presscon, hindi ako mandadamay ng ibang tao.

“Dalangin ko sana malagpasan itong pagsubok na aming dinadaanan, ng aming samahan.

Siguro panahon na lang ang makakapagsabi.

Yung na lang siguro, maraming salamat,” ayon pa sa opisyal na pahayag ng senador.

 

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: