Skip to content

Halikan nina SARAH at JOHN LLOYD pinakialaman uli ni MOMMY DIVINE

March 20, 2013

sarah geronimoNagkaroon pala ng problema sa set ng pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na malapit nang ipalabas.

Hindi sila ang naging problema, kundi ang Mommy Divine ni Sarah, nakialam pala ito sa isang eksenang kailangang-kailangan sa kabuuan ng kuwento.

Pagkatapos ipahayag ng pari na husband and wife na ang mga nakaharap sa altar, natural lang na ang kasunod na nu’n ay ang linyang, “You may now kiss the bride” sa mga bagong kasal, pero sinira ng ina ni Sarah ang ating nakagisnan na.

Ayon sa aming source, “Talagang umeksena ang mommy ni Sarah, ayaw niyang ipagawa sa anak niya ‘yung pag-kiss ng groom sa bride, dayain na lang daw.

Hindi siya napakiusapan ng mga producers at director, talagang ipinilit niya ang sa kanya, dayain na lang daw ang eksenang ‘yun para wala na silang problema,” ayon sa impormante.Dahil du’n ay maraming reaksiyon mula sa ating mga kababayan ang nag-alsahan, kung ayaw raw ni Mommy Divine na mahalikan man lang ang kanyang anak sa pelikula, di sana’y huwag na lang nitong pag-artistahin ang dalaga?

“Pero parang kalabaw na nakasuga sa bukid si Sarah, nag-aakyat nang limpak-limpak na salapi sa kanila, siya lang ang tanging inaasahan ng family niya.

“Kung ganu’n na ang laki-laki ng nagagawa ni Sarah sa pamilya niya nang dahil sa kanyang pag-aartista, bakit ganyan pa ang mommy niya?

Bakit kailangang dayain pa ang mga scenes na puwede niya namang gawin?

“Tama bang makialam siya sa mga eksena?

Hindi naman papapakin ang anak niya, kailangan lang maging professional dahil ‘yun ang hinihingi sa eksena!

Nakakaloka talaga ‘yung ganu’ng drama!” naiinis pang kuwento ng aming source.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: