Skip to content

Resbak ng ex-PBB housemate kay RR ENRIQUEZ: Grabe, hindi ko siya niloloko!

March 19, 2013

rr and jen da silvaI READ recently na nagsampa na ng kaso ang sexy star na si RR Enriquez laban sa dati niyang kaibigan na si Jen da Silva Geisler, dating PBB housemate, dahil diumano sa hindi pagbabayad nito ng utang.

Ayon kay RR, umutang daw sa kanya si Jen at kahit hindi pa raw nito nababayaran ang kabuuan ng perang hiniram ay pinagkatiwalaan pa rin daw niya itong maibenta ang Rolex watch niya para magkakomisyon si Jen.

Kaso raw, nu’ng sinisingil na niya ito ay nagalit pa raw si Jen kaya napilitan na raw siyang magdemanda.

Minsan ay nagkita kami ni Jen at naitanong ko ang tungkol sa isyung ito, “Totoo namang may utang ako sa kanya, hindi ko naman ikinakaila iyon.

Nakakuha ako sa kanya ng P2 million na may P400,000 interest. Sa kabuuan  bale P700,000 na lang ang kulang ko.

Kumbaga, nagbabayad naman ako kaya lang, yung mga ibinayad na mga tseke sa akin ng isang kliyente ko sa alahas ay nagtalbugan kaya pati yung checks ko sa kanya ay apektado.

“Pero hindi ko siya tinatakasan. Hinaharap ko ang problemang ito.

In fact, kinausap ko siya para maniwala sa akin, para huwag lang niyang masabing nagsisinungaling ako.

Sabi ko, kung gusto niya samahan niya ako doon sa nagpatalbog ng tseke sa akin para malaman niyang nagsasabi ako ng totoo.

At humihingi pa ako sa kanya ng palugit para mabayaran ko siya.

Hindi ko siya lolokohin.

“Pero nag-post na siya agad sa social media, siniraan na niya ako.

Nahihiya ako sa asawa ko, kay Donnie (Geisler, kapatid ni Baron), dahil iniingatan naman ng asawa ko ang pangalan niya.

Siyempre, dala ko ang apelyido niya, aware siyang may utang ako kay RR at binabayaran ko naman sa abot ng aking makakaya.

Paulit-ulit kasi niya akong tinatakot na idedemanda raw niya ako kaya sa gigil ko, sinabi ko na lang sa kanya na magdemanda siya kung gusto niya,” ani Jen sa amin na nais pa ring maayos ang lahat sa pagitan nila ni RR.

Simple lang ang dasal ko rito, na sana’y mapag-usapan nila nang mahinahon ang problema nilang ito sa pera.

Lahat naman tayo ay dumadaan sa ganitong mga pagsubok pero naniniwala pa rin tayong ang lahat ng problema ay nakukuha sa mabuting pag-uusap.

In fairness naman kay Jen, nagbabayad naman siya, nagipit lang siguro talaga dala na rin ng mga nagtalbugang tseke ng kliyente niya.

Mas mahirap pag nagmatigasan silang dalawa dahil baka ang ending nito, the more na mahirapang maningil si RR kay Jen pag lumala ang sitwasyon.

The fact na malaki na rin ang naibabayad ni Jen sa pagkakautang niya kay RR (from P2.4 million in total) ay P700,000 na lang ang natira.

Ibig sabihin, hindi naman siya pinagtataguan ni Jen.

Advise ko nga kay Jen, since siya ang may pagkukulang kay RR, siya na lang ang magpakumbaba.

Baka kasi kailangang-kailangan din ng kaibigan niya ng pera.

“Grabe kung siraan niya ako, tito.

Hindi ko siya tatakbuhan, pinag-iipunan ko pa ang ibabayad ko sa kaniya.

Ayoko rin ng may utang, kaya lang, sa negosyo naming ito, yung sa mga alahas dahil nangungumisyon lang din naman ako, may times talaga na nagkakaproblema rin.

May mga nangyayari talagang ganoon kaya sana ay huwag muna niya akong gipitin,” ani Jen.

Sana ay lumambot ang puso ni RR, after all, magkaibigan naman sila, di ba?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: