Skip to content

Mga ’NAMUHUNAN’ sa pelikula nina DANIEL at KATHRYN sising-sisi raw

March 17, 2013

daniel and kathrynKuwento ng mga kakilala naming kumuha ng block screening para sa pelikulang pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang nalulungkot ngayon.

Sising-sisi sila sa pinaglagyan ng kanilang pera.

Dalawang sinehan sa isang kilalang shopping mall ang kinuha nila para sa screening, pero kumalog ang venue, lugi ang kanilang inabot.

Buong akala pa naman daw nila ay kikita sila, pero bakit ganu’n, nasaan na ang mga tagahanga ng magka-loveteam na sabi’y nakikipagpatayan sa pagsuporta sa kanilang mga idolo?

Sabi ng aming source, “Paano sila hindi malulungkot, e, ni hindi pa nangalahati ang sinehan nu’ng ipalabas ang movie nina Daniel at Kathryn?

Ang akala nila nu’ng una, e, masyado lang ma-traffic kaya wala pa ang mga tao sa sinehan, pero pagabi na, e, wala pa ring nagdaratingan.

“Nagpa-late na nga sila ng pagpapalabas, medyo delayed pa ang ginawa nilang screening, pero wala pa rin, talagang makupad ang dating ng manonood. Naniwala raw kasi sila sa mga sigaw, sa mga palakpak, kaya pagkalugi tuloy ang nangyari sa kanila.

“Mula raw ngayon, e, talagang movie na lang ni John Lloyd Cruz ang ipaba-block screening nila.

Wala kasing talo kapag si JLC ang bida sa movie, punumpuno talaga ang mga sinehang inaarkila nila!” madiing impormasyon ng aming source.

Wala pang inilalabas na pigura ang Star Cinema tungkol sa kinita ng pelikula, nakagugulat ang ganitong senaryo, ang inaasahan kasi ng marami ay maglalabas agad ang produksiyon tungkol sa kung magkano ang kinita ng pambato nilang loveteam.

Kung totoo ang mga kuwentong naririnig namin ay nakalulungkot naman, naging maigsi ang buhay ng loveteam na ito, hanggang sa tili at palakpak lang naman pala ang magagawa ng kanilang mga tagahanga.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: