Skip to content

BARON GEISLER hindi pa magaling, kailangan ibalik agad sa REHAB

March 16, 2013

Baron GeislerMinadali kasi ang paggamot sa kanyang ‘sakit’

Ang isa pang tunay na nakapanghihinayang ay ang walang kadala-dalang si Baron Geisler.

Abut-abot ang kanyang pangako na magbabago na siya, na tatalikuran niya na ang bisyo ng paglalasing, pero kasasabi pa lang niya nu’n ay makikita na naman siyang umiinom nang sobra-sobra sa kanyang kapasidad.

Wala nang magawa ang kanyang pamilya, hanggang sa suporta at pangangaral nga lang naman ang puwede nilang gawin, ang disiplina ay kailangang kay Baron pa rin mismo manggaling.

Palagi na lang niyang ipinahihiya ang kanyang kapatid na si Donnie, wala nang ibang magawa ang kanyang kuya kundi ang manghingi na lang ng sorry sa mga taong dating sumusuporta sa kanila, pero ngayon ay bumitiw na rin kay Baron.

Nang lumabas sa rehabilitation center ang magaling pa namang aktor ay todo ang kanyang pangako na hindi na siya iinom para hindi na rin siya sumasabit sa gulo.
Pero ayon sa aming source, “Mahihirapan pa siyang panindigan ang mga pinagsasabi niya, hindi pa kumpleto ang healing process niya, hindi pa siya magaling talaga.

Parang minadali kasi ang paglabas niya sa rehab, e.

“Kaya kita n’yo, dala-dala pa rin niya hanggang ngayon ang bisyo niya, hindi siya maka-move on, palaging palpak ang mga pangako niya.

Kailangang bumalik siya uli sa rehab, kumpletuhin niya dapat ang proseso, walang mangyayari sa kanya sa paganyan-ganyan lang.

“Humahanap talaga siya ng gulo kapag nalalasing na siya, masuwerte nga siya dahil walang pumapatol sa kanya.

Pero huwag pakaasa si Baron, ha?

Baka isang araw, e, makatiyempo siya ng mga taong maigsi lang ang pasensiya at patulan siya!” komento pa ng aming source.
Balitang papatayin na ang kanyang karakter sa seryeng Kidlat ni Derek Ramsay, nagiging problema na kasi siya sa set, ang kanyang pagkalulong sa alak ang parang anay na unti-unting nagpapabagsak kay Baron Geisler.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: