Skip to content

MAJA ‘PAILALIM’ kung tumira, tuloy ang pang-iinis kay KIM

March 13, 2013

maja kim chiuSobra pala ang pagka-proud ni Maja Salvador sa kanyang boyfriend na si Gerald Anderson.

Sa lahat kuno ng kagamitan niya ay nandu’n ang picture ni Gerald, lalo na sa kanyang phone, puro retrato ng mestisong aktor ang makikita du’n.

Totoo kaya ang kuwento ng mga becki na kahit nagpapa-make-up lang si Maja ay kailangan pa niyang idispley ang picture frame ni Gerald sa tabi niya?

Si Maja raw ang talagang nagpapakita ng sobra-sobrang pagmamahal kay Gerald, mukhang tinamaan siya nang todo ng pana ni Kupido sa guwapong young actor, wala siyang bukambibig kundi ang kanyang boyfriend.

Komento ng isang kausap namin, “Siyempre, gagawin niya talaga ang ganu’n para pasakitan niya ang dati niyang BFF na si Kim Chiu.

May gusto siyang patunayan kaya ginagawa niya ang ganyan.

“Nag-iinisan kasi sila, kaya ayun ang Maja, talagang iniinis niya ang dating kaibigan niya. Pero hindi kaya niya naiisip na hindi naman siya nakakasigurado kay Gerald?

Paano kapag nag-break na sila?” bitin pang opinyon ng aming kausap.

Hindi ngayon lang nakipagrelasyon si Maja, meron ngang mga kuwento sa kanilang network na para lang siyang nagbibihis kung magpalit ng karelasyon, pero siguro nga ay ngayon lang siya tinamaan nang husto kay Gerald Anderson.

“Marespeto kasi si Gerald, mabait ‘yung bata, saka hindi siya ‘yung tipong madaldal.

Wala kang maririnig na kahit ano sa kanya.

Nakita n’yo naman nu’ng inuupakan siya ng kampo ni Sarah Geronimo, may sinabi ba siya?

“Sana nga, magtagal sila ni Maja,” komento naman ng isang malapit sa binatang aktor na nakakuwentuhan namin nu’ng minsan.

One Comment leave one →
  1. freckles permalink
    March 19, 2013 11:08 am

    mga pailalim tumira ay SULING tumingin you cant trust mga ganyang tao di sila gagawa ng kabutihan. Since PBB days admit ni anderson chickboy siya at heartbreaker siya pangita na lumalabas lang si salvador nA SINUNGALING siya. at mga nakasama ni maja mga tao noong una na si deborah sun niece ng ama niya na nag away sila kasi INGRATA ang tawag ng cousin niya sa kanya meaning UNGRATEFUL . at iyong naging bf niya na isa sa dancer sa asap na may TUPAK si salvador. no choice si anderson kaya used niya si maja para magamit niya name ni KM kasi bff ni maja si KIM at alam natin mabuladas si anderson mga gnoon deceitful hayun isang kalabit kay maja kuha agad kasi dami promises ni anderson kaya si INGRATA BETRAYED SI BFF at may sakit pa iyang si maja na nasa blind item before at sinabi rin sa UKG siya pala iyon di lang naiisue name nakatakot pala siya in real life at OBVIOUS naman na nagpapasakit si anderson kasi lahat ginagaa niya need pa i promo niya mayabang kasi siya eh both sila anderson no breeding at bastos NO MORALE sila pareho took advantage sa kabaitan ni KIM both si anderson at salvador PLAYER AND USER. DI SILA TOTOO NA TAO.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: