Skip to content

SHARON feel na feel pang magbuntis, pero parang ayaw na raw ni SEN. KIKO

March 12, 2013

sharon cunetaPagkatapos mag-ampon ng baby boy, may isa pa siyang wish

KUNG si Megastar Sharon Cuneta raw ang masusunod, gusto pa nitong magkaanak uli ng isa – feel daw nitong mabuntis uli at hindi basta mag-aampon lang ng bata.

Ito ang ibinuking kahapon ni Sen. Kiko Pangilinan sa morning show na Kris TV sa ABS-CBN, sila ni Richard Gomez ang special guests ni Kris Aquino.

Ayon sa senador, type na type pang dagdagan ni Mega ang kanilang apat na anak (KC Concepcion, Frankie, Miel and Miguel), kung pwede pa raw ay gusto uli nitong magdalang-tao.

Pero ayon kay Sen. Kiko, okay lang naman daw na mabuntis uli ang kanyang asawa, pero aniya, kung siya ang tatanungin mas feel niyang mag-focus na lang sa  apat nilang  anak.

Mahirap din daw kasi ‘yung marami, baka raw mahati pa ‘yung atensiyon nila, “Kasi ako talagang equal ang tingin ko sa lahat ng mga anak namin ni Sharon.

Kapag out of the country nga ako, I make sure na lahat sila may pasalubong. Kailangan equal din ‘yun,” kuwento pa ng mister ni Megastar.Speaking of Kris TV, nagpasalamat naman nang bonggang-bongga si Kris sa pagkapanalo niya sa nakaraang 19th USTv Student’s Choice Awards bilang Best Talk Variety Show Host para kanyang morning show.

“Super touching ito, naaliw ako.

Thank you so much for this, nakakatuwa kasi parang it’s a big honor na I was told 46,000 of the students had to vote, na online talaga.

Thank you to them kasi I heard that this is the first year na hindi lang ang mga students ang nag-vote, may sey din ang mga rectors at mga pari so pumasa ako sa mga pari,” tuwang-tuwang chika pa ni Tetay.

“Ang sarap ng feeling but this really matters a lot because we have such a young population.

Ang bata-bata ng Pilipinas and the fact na halos lahat college age sila di ba?

Nagsimula silang manood ng TV may daily show na ako kasi it’s going on 18 years already kaya natutuwa talaga ako kasi I am still relevant, pinapanood pa nila ako and natuwa ako sa sinabi na values because you know how to respect other people.

Natuwa talaga ako na yes, may maturity na,” dagdag pa niya.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: