Skip to content

ANGEL natakot sa mga NORANIAN at VILMANIAN: Pero hindi sila salbahe!

March 12, 2013

angel locsinNang magwaging best actress sa Star Awards for Movies

Sa pagkakapanalo naman ni  Angel Locsin bilang Movie Actress of the Year sa 29th PMPC Star Awards For Movies (One More Try), inaasahan nang maraming isyung maglalabasan sa pagkatalo naman ng mga nakalaban niya sa nasabing kategorya, tulad nina Vilma Santos, Nora Aunor at Gina Alajar.

Sa interview ng press kay Angel ay sinabi nitong hindi talaga siya makapaniwala na siya ang nanalo, “Sobrang tension lang talaga ako!

Alam mo yung hindi lang talaga ako makapaniwala.

“Pagdating ko dito, siyempre alam ko yung ibang kapwa ko nominees na kasama—sina tita Vilma, ate Guy, at Ms. Gina Alajar, parang ang kapal naman ng mukha ko kung aasa ako, di ba?

Kaya hindi lang talaga ako makapaniwala nang ang pangalan ko ang tinawag na nanalo.

“And I’m just very thankful, especially sa PMPC, kasi siguro binibigyan nila ng chance yung mga mas bagong artista,” ani Angel sa entertainmetn media. Noong nakaraang taon, si Angel din ang nanalong Best Actress sa Star Awards For Movies para sa “In The Name of Love”.

“Feeling ko, ‘Oh, my God, nandiyan ang mga Noranians.

Nandiyan ang mga Vilmanians…although hindi naman sila mga salbahe, mabait naman sila.

Actually, hindi ako tumingin kasi natakot talaga ako.

Pero ang bait naman nila,” sabi pa raw ni Angel tungkol sa mga fans nina ate Vi at ate Guy.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: