Skip to content

Totoo ba, DEREK RAMSAY sinisiraan daw ang ABS-CBN?

March 10, 2013

derek ramsayNAKU, totoo nga kaya ang mga nababasa namin sa ilang social networking sites na nagsasalita raw diumano ng mga hindi kagandahang komento ang hunk actor na si Derek Ramsay laban sa ABS-CBN?

May kumakalat kasing chika na sinisiraan diumano ni Derek ang pinanggalingan niyang istasyon.

Ayon sa mga mga sitsit, may mga sinasabi raw ito laban sa ABS kung kaya napilitan na siyang iwan ang network.

Kung inyong matatandaan hindi naging maganda ang pag-alis ng aktor sa Dos para lumipat sa TV5.

Isa sa mga ipinupunto raw ni Derek ay ang mga ginawa ng ABS sa kanya noong kasagsagan ng promo ng pelikula nila nina Anne Curtis at Andi Eigenmann na “A Secret Affair” ng Viva Films.

Hindi raw kasi nagustuhan ng aktor ang ginawang pagtatanggal sa pangalan at mukha niya sa promo materials ng nasabing movie.Pero sa pagkakakilala naman namin kay Derek, hindi siya ‘yung tipo ng lalaki na maninira ng kanyang kapwa, sa katunayan, ingat na ingat nga siya sa pagsasalita kapag ang ABS-CBN na ang topic ng usapan, hangga’t maaari ay hindi siya nagsasabi ng makakasakit sa mga nakatrabaho niya noon sa nasabing network.

Pero maaari rin namang naglabas lang ng sama ng loob si Derek sa kanyang mga kaibigan nang diumano’y magkuwento siya ng mga kaganapan sa kanyang career noong nasa Dos pa siya.

Natural lang naman ang ganu’n sa isang artista na lumipat na ng network, pero hindi naman ibig sabihin ay sinisiraan na niya ang dati niyang pinagtatrabahuan.

Anyway, I’m sure sasagutin ni Derek ang isyung ito, gentleman that he is, sigurado kami na may paliwanag ang aktor sa bagong intriga sa kanya.

Si Derek pa, hindi naman iyan basta papayag na masira ang kanyang pangalan nang dahil lang sa isang issue na ibinabato sa kanya.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: