Skip to content

ROBIN: Hindi ko pa kayang makita si RUSTOM sa ganyang sitwasyon!

March 10, 2013

robin padillaWalang pinamilian si Mommy Eva Cariño kundi ang tanggapin na lang ang kasalukuyang sitwasyon ng kanyang anak na si Rustom Padilla na si BB Gandanghari na ngayon.

Ang hiling ni BB sa kanyang mga interbyu, sana raw ay makapanood ng stage play na pinagbibidahan niya ang kanyang buong pamilya pero ang dumating lang ay ang kanyang ina, hindi nakayang tiisin ni Mommy Eva ang kanyang anak.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ng magkakapatid na Padilla ang piniling buhay ni Rustom, para sa kanila ay walang BB Gandanghari, si Rustom pa rin ang kanilang kapatid.

Si Robin Padilla kapag iniinterbyu ay hindi naman nagsasalita nang sobrang laban sa kanyang kapatid, pero bukas ang bibig ng sikat na action star sa pagsasabi na bibilang pa siguro nang mahabang panahon, bago nila tuluyang matanggap si BB Gandanghari.“Kung du’n siya maligaya, dumoon siya.

Pero kapag kaming magkakapatid ang tatanungin, hindi pa siguro namin kayang makita ang kapatid namin sa ganyang sitwasyon,” marespetong komento ni Robin.

Pero iba nga ang pusong-ina, walang nagawa si Mommy Eva kundi ang suportahan si BB Gandanghari, wala man ang iba pa nitong mga anak ay dumating ang ina para panoorin ang kanyang anak.

“Nagugulat lang ako sa mga nakita kong eksena kanina.

Hindi ako sanay na makita ang anak ko na ganyan ang mga ginagawa.

Pero nagulat lang naman ako.

Nu’ng kalaunan, naintindihan ko nang palabas nga lang pala ang pinanonood ko,” banayad na komento ni Mommy Eva.

Bibilang pa nga siguro nang mahaba-habang panahon bago matanggap ng kanyang mga mahal sa buhay ang kasalukuyang sitwasyon ni BB Gandanghari.

Ayon sa dating mister ni Carmina Villaroel ay naiinip na rin siya sa paghihintay, pero naiintindihan niya naman ang kanyang mga kapatid, kaya nakalulungkot man ay handa pa rin siyang maghintay.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: