Skip to content

MAJA nag-iisang babae sa B-DAY party ni GERALD sa isang resort sa LA UNION

March 10, 2013

gerald n majaSi Maja Salvador ang nag-iisang artistang babaeng guest ni Gerald Anderson  sa blow-out niya para sa mga kaibigan niya noong Sabado na ginanap sa isang beach sa La Union.

Bandang alas-otso nang umaga ay tumulak patungong La Union sina Gerald at Maja kasama ang mga kaibigan nilang sina Jason Abalos, Fred Payawan, Young JV, Rayver Cruz at ilang Star Magic handlers.

Base sa kuwento sa amin, “Blow-out ni ‘Ge (tawag kay Gerald) sa mga kaibigan niya kasi nag-birthday siya last March 7, e, halos lahat gusto mag-swimming at mag-surfing, kaya sa beach na lang sila.”

Base sa nakita naming mga litratong naka-post sa Instagram nina Rayver, Jason at Gerald ay hindi na talaga maitatangging mag-on na sina Gerald at Maja at namumukod tanging siya lang ang babaeng artistang kasama dahil halos lahat ng kaibigan ng aktor ay single.Kaya bakit hindi pa nila inaaming sila na talaga?

“Hindi na nila kailangang aminin na sila na vocal naman silang dalawa na special sila sa isa’t isa, e, di ‘yun na ‘yun!” sabi pa sa amin.

“Saka may serye kasi si Maja at iba ang ka-loveteam, same rin si Gerald, may Cristine Reyes siya sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin kaya hindi puwedeng aminin kuno.”

Kuwento pa sa amin ng taga-Star Magic, “Sobrang sweet nila at magkasundo sila sa maraming bagay, one of the boys kasi si Maja, lahat ng sports ni Gerald, gusto rin niya, saka walang kiyeme kaya siguro nagustuhan siya ni Gerald.

At kasundo ng friends ni Gerald si Maja kasi nga one of the boys kaya maski na anong lokohan sakay na sakay niya.”

Bakit, si Kim Chiu ba ay hindi nakasundo ng mga kaibigan noon ni Gerald? “Hindi kasi sporty si Kimmy,” mabilis namang sabi sa amin.

Ahhhh, ito pala ‘yung konek ng dayalog ni Maja na, “Hindi kasi ako pa-girl…” so, si Kim ang pinatatamaan niya, di ba bossing Ervin?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Saka may serye kasi si Maja at iba ang ka-loveteam, same rin si Gerald, may Cristine Reyes siya sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin kaya hindi puwedeng aminin kuno.”
Kuwento pa sa amin ng taga-Star Magic, “Sobrang sweet nila at magkasundo sila sa maraming bagay, one of the boys kasi si Maja, lahat ng sports ni Gerald, gusto rin niya, saka walang kiyeme kaya siguro nagustuhan siya ni Gerald. At kasundo ng friends ni Gerald si Maja kasi nga one of the boys kaya maski na anong lokohan sakay na sakay niya.”
Bakit, si Kim Chiu ba ay hindi nakasundo ng mga kaibigan noon ni Gerald? “Hindi kasi sporty si Kimmy,” mabilis namang sabi sa amin.
Ahhhh, ito pala ‘yung konek ng dayalog ni Maja na, “Hindi kasi ako pa-girl…” so, si Kim ang pinatatamaan niya, di ba bossing Ervin?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: