Skip to content

KRIS hindi feel mangutang sa bangko para lang makabili ng house & lot

March 10, 2013

kris aquinoSa gitna ng kabisihan ng Queen of All Media na si Kris Aquino top priority niya talaga lagi ang mga anak na sina Bimby at Joshua.

Last week, maaga siyang nagpunta sa sports event ni Joshua.

Noong Biyernes, si Bimby naman ang may event sa school.

Kasama talaga sa schedule ni Kris ang Parents-Teachers Associaiton meeting niya for Bimby.

Kaya nga pati ang only kuya niya at Pangulo ng Pilipinas na si Noynoy ay hats-off kay Kris sa pagiging mabuting ina.

Ngayong Sunday may bagong TV commercial endorsement shoot ulit si Kris.

One more endorsement ay kering-keri na talaga ni Kris na bumili ng bagong bahay at lupa.

Ayaw kasi siyang payagan ng kaibigan niya and siguro isa sa wealth adviser niya at The Buzz host na si Boy Abunda na umutang siya sa bangko para magkaroon ng bahay at
lupa.Bukod pa siyempre ang kita ni Kris sa mga show niya sa ABS-CBN gaya ng Pilipinas Got Talent every Saturday and Sunday,  ang Kailangan Ko’y Ikaw at ang Kris TV.

And speaking of Kris TV, umabot pala sa halos P2 million ang halaga ng mga engrandeng regalong ipinamigay nila para sa kanyang two-day “Love, Love, Love ni  Kris” gift-giving event sa Kris TV kamakailan.

At sabi nga ni Kris, unang pasabog pa lang ‘yan ng Kris TV, so, expect more, more, more from the one and only Queen of Media.

Kaya naman patuloy ang pag-ulan ng blessings kay Kris, marunong siyang magbahagi sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya na siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hot na hot pa rin siya sa showbiz.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: