Skip to content

CACAI BAUTISTA ilusyunada raw, gawa-gawa lang ang ‘RELASYON’ nila ni MARIO MAURER?

March 9, 2013

mario maurerGusto lang inggitin ang Pinoy fans at mga kaibigang bading

TUWANG-TUWA kami sa chika na wiling-wili ang napakaguwapong Thai actor na si Mario Maurer sa komedyana nating si Cacai Bautista – minsan na silang nagkasama sa isang local film with Erich Gonzales (remember?).

Kasi nga, sa dinami-dami ng beauties sa bansa natin, kay Cacai raw nahulog ang loob ng pinagnanasaan naming Thai matinee idol.

Iyan kasi ang pumutok na balita lately and in fact, nagkita pa nga raw sina Cacai with Mario when she went to Thailand recently.

Disappointed nga raw ang aktor dahil he thought na mag-isa lang si Cacai that time, iyon pala ay maraming kasama si Cacai sa restaurant kung saan sila nagkita.

Kung babasahin mo ang mga lumalabas na items on them, iisipin mong isang fairytale (come true) ito for Cacai.

No offense meant ha, Cacai may not be as attractive to Pinoy men pero for foreigners, iba rin ang kanilang taste.

Yung maganda para sa atin minsan ay ordinary lang sa kanila at kung sino pa ang simple lang ay very appealing naman sa kanila.

And very possible na magkagusto kay Cacai ang isang tulad ni Mario – probably ay aliw na aliw siya sa sense of humor nito. Tsaka, in fairness kay Cacai, sexy itong manamit, ha.

Anyway, may bumulong sa amin na gimik lang daw ito ni Cacai para pag-usapan siya.

Totoong nagkita sila ni Mario at totoo namang they communicate dahil magkaibigan sila pero hindi raw totoong may gusto sa kanya ang aktor.

Isang malaking ilusyon daw ito ni Cacai para inggitin ang mga kapwa niya artistang may gusto kay Mario.

Katunayan daw si Cacai talaga ang may gusto raw kay Mario at binabaligtad lang daw nila ang sitwasyon para maging kanasa-nasa si Cacai sa showbiz.

“Kaya malakas ang loob ng kampo ni Cacai na palabasing may gusto sa kanya si Mario ay dahil hindi naman ganoon kadali para sa press people na makuha ang side ni Mario dahil wala silang konek doon.

Meron pa nga silang pinalabas na si Cacai raw ang dahilan kung bakit nag-break sina Mario at ang girlfriend nito of eight years. Ang haba ng hair ni Cacai, di ba? Kaso, hindi naman pala totoo.

Nangarap lang pala si Cacai, kawawa naman!” anang source natin.

Talaga? Nalungkot tuloy kami.

Akala namin ay totoong sina Cacai at Mario na.

Akala namin ay isa na namang patunay ito na may isang simple-looking Pinay ang nakaagaw ng pansin ng isang foreign superstar.

Kung hindi naman pala ito totoo, meaning, lahat tayo ay may pag-asang maiuwi si Mario. Ha-hahaha!

Iyan na ang isa sa pinakamalalang ilusyon!

Kungsabagay, sabi nga ni Kathryn Bernardo sa isang interview, “When you dream, drem big.” Tama! That’s an old saying na ginamit ni Kathryn lately at puwede ngang i-apply sa sitwasyon ni Cacai.

Pero mind you, bongga ang mga Thais, ha. Kahit “uncut” version sila, noted silang super gifted children of the universe. Ha-hahaha!

Kung kasing-guwapo naman ni Mario ang ganoon, aba’y kesehodang palagi akong “naglilinis” ng kapaligiran. Kebs. Ha-hahaha!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: